GMA Logo Ehra Madrigal
PHOTO SOURCE: @iamehramadrigal
What's Hot

Ehra Madrigal, nami-miss ang buhay showbiz?

By Maine Aquino
Published November 30, 2026 8:01 AM PHT
Updated January 3, 2023 12:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Meralco sets power outages in 4 areas
Man in Iloilo found dead at dike constricted by snake

Article Inside Page


Showbiz News

Ehra Madrigal


Papayag pa ba si Ehra Madrigal na bumalik sa mundo ng showbiz? Alamin dito:

Inilahad ni Ehra Madrigal na may mga pagkakataon na nami-miss niya rin ang kanyang buhay artista.

Ibinahagi ito ni Ehra sa vlog ng kanyang kapatid na si Michelle Madrigal. Tulad ni Ehra, huminto na rin sa pag-aartista si Michelle.

Isang post na ibinahagi ni EHRA MADRIGAL-YEUNG (@iamehramadrigal)

Kuwento ni Ehra sa vlog ay nami-miss niya ang pag-arte, "Actually nakaka-miss naman talaga siya."

"For me kasi, before it was a creative outlet plus I was very passionate about it," dugtong pa niya.

Inamin ni Ehra na noong una ay hindi siya gaanong motivated bilang aktres hanggang sa nag-grow ang passion niya sa pag-arte.

"Noong una siyempre, noong parang first year siyempre parang bago pa lang. Feeling ko ay okay I will earn. Hindi ka pa motivated. Then of course, noong tumatagal na, na-in love ako doon sa craft. Plus outlet mo siya like especially tayo, very emotional."

Bukod sa pagiging aktres, kilala rin si Ehra dahil sa kanyang mga sexy magazine covers pero inamin niya na malayo ito sa kanyang personality.

Ehra Madrigal

PHOTO SOURCE: @iamehramadrigal

"Ang ganda na meron kang nagagawang iba. Ako normally, mahiyain talaga ako. As Geralyn, pero as Ehra Madrigal, because nag-iiba ako ng character, hindi ako 'yun. Nami-miss ko siya."

Paliwanag pa niya, "Manang ako. Sobra. So nagulat lahat na oh my gosh si Ehra bakit naggaganyan? Feeling ko ibang tao talaga 'yun, hindi ako 'yun."

Sakaling mabigyan ng pagkakataon ay babalik ba sa mundo ng showbiz si Ehra?

Kuwento ni Ehra sa vlog, "Kung may opportunity, I just don't know kung kaya ko pa 'yung working hours. Not just the stress, also like the pressure."

"Before nakilala ako na nag-FHM. They would always pressure me to always look thin, look good. Now, I don't care, I am already 37. Kung saan ako masaya talaga, go."

SAMANTALA, BALIKAN ANG VACATION PHOTOS NI MICHELLE KUNG SAAN NAKASAMA NIYA SI EHRA: