
Isang kaabang-abang na proyekto ang pagsasamahan muli ng Starstruck Season 1 alumni na sina Yasmien Kurdi at Nadine Samonte na maituturing na isang 'pangmalakasang serye.'
Muling mapapanood sa GMA Afternoon Prime ang magkaibigan na sina Yasmien at Nadine para sa isang 'pangmalakasang drama series' na The Missing Husband.
Bibida rin dito sina Rocco Nacino, Jak Roberto, Joross Gamboa at Sophie Albert.
Para kay Nadine, masaya siya na muli niyang makakatrabaho si Yasmien matapos ang halos sampung taon.
“Alam mo yung magiging komportable ka sa set kasi alam mo na may nakasama ka before na nakatrabaho mo,” wika niya.
Excited naman si Yasmien na makilala at makatrabaho for the first time ang ibang cast.
Aniya, “I'm excited too to work with people na hindi ko pa nakakatrabaho before.”
Kwento naman ni Rocco, nang malaman niya ang kaniyang role ay agad siyang kumausap ng mga tao na nabiktima ng 'scams.'
“Nung nalaman ko about the show, about the role, I started talking to people na naging victims of scams at marami akong narinig na horror stories at nakakaiyak na pakinggan. Hopefully sa cast na ito na alam kong lahat ay magagaling, ay talagang makapag-reach out kami sa kanila.”
Samantala, kahapon, sumabak sa look test ang cast ng naturang serye na pangungunahan ng direktor na si Mark Reyes.
TINGNAN ANG CHIC FASHION LOOKS NI YASMIEN KURDI SA GALLERY NA ITO: