
Para kay Asia's Multimedia Star Alden Richards, ang pago-organisa ng isang esports tournament ang isa sa kanyang paraan upang matulungan ang kapwa niya manlalaro.
Magkakaroon kasi ng isang Mobile Legends esports tournament si Alden sa ilalim ng kumpanya niyang Myriad Esports.
"Ngayon, since I'm a gamer by heart, ito naman 'yung way ko para matulungan 'yung community ng esports," saad ni Alden sa panayam ng 24 Oras.
Layunin ng Myriad Esports Cup na maka-discover ng iba pang manlalaro ng Mobile Legends na pwedeng maging pambato ng Pilipinas sa ibang bansa.
Bukod rito, ang magiging champion ng Myriad Esports Cup ay pwedeng mag-nominate ng estudyante para maging scholar.
Pagkatapos ng speech ni Alden sa masterclass ng Myriad Esports, kung saan dinaluhan ito ng mga amateur players na nais maglaro sa Myriad Esports Cup, hindi nila nalimutang sorpresahin si Alden na nagdiwang ng kanyang ika-32 na kaarawan noong January 2.
Ngayong unti-unti nang natutupad ang mga pangarap ni Alden, ang kanyang birthday wish ay matulungan ang iba pang mga tao na maabot ang kanilang pangarap.
"Siguro good intentions lang talaga, that's the key. 'Yung wala kang sinasagasan na tao, you're just doing it to help," pagtatapos ni Alden.
Kabilang sa mga kasali sa Myriad Esports Cup ang Kapuso actress na si Shaira Diaz, na isa ring self-confessed gamer.
Para sa iba pang mga detalye tungkol sa gaganapin na Myriad Esports Cup, pwedeng bisitahin ang official Instagram account nitong na @myriadesports.
SAMANTALA, KILALANIN ANG FEMALE CELEBRITIES AND PERSONALITIES NA OFFICIAL GAMER DIN SA DITO: