GMA Logo Marian Rivera
Source: marianrivera (IG)
What's Hot

Marian Rivera talks about teleserye comeback for 2023

By Bianca Geli
Published January 11, 2023 8:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Eman Pacquiao, naghahanda sa pagsasanay para sa kaniyang laban sa Pebrero 2026
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


Balik teleserye na ba si Primetime Queen Marian Rivera?

Sa nakaraang episode ng "Updated with Nelson Canlas" podcast, tampok ang Primetime Queen na si Marian Rivera.

Kasabay ng bagong taon ang tanong ng marami para sa aktres, magbabalik na ba ito sa teleserye?

Saad ng host na si Nelson Canlas, "I am asking this on behalf of all the Marian fans in the whole world. Kailan ka ba babalik ng teleserye?"

Sagot naman ni Marian, "By next year kasi, sana magawa na 'yung isang project na gagawin ko, so definitely sana makita na nila ako. Sana matuloy itong project na ito. And then, may mga gagawin ako sa regional kaya abangan nila ako."

Ayon kay Marian, inaasahan niyang magiging mas aktibo na siya muli sa teleserye ngayong pitong taong gulang na ang panganay niyang si Zia at tatlong taong gulang na ang sumunod niyang anak na si Sixto.

"Medyo malalaki naman na si Sixto 'tsaka si Zia so baka puwede naman umalis muna si Mama," hayag ni Marian.

Gayunpaman, wala pang balak ang aktres na magbalik sa showbiz ng full-time, aniya, "Sila (Zia at Sixto) pa rin ang priority ko. Kasi nag-aaral pa rin 'yung dalawa,"

Dagdag ng Tadhana host, "Time management talaga is very important. Kaya sisiguraduhin kong maayos 'yan."

Ilan pa sa mga tinalakay nina Nelson at Marian ay ang mga payo ng aktres sa pag balanse ng oras bilang isang asawa, ina, businesswoman, at aktres. Naikwento rin ni Marian kung paano niya pinananatiling mainit ang samahan nila ng asawa na si Dingdong Dantes.

Kasalukuyang napapanood si Marian bilang host ng weekly drama anthology na Tadhana. Napanood din ito nitong 2022 sa rom-com series na Jose & Maria's Bonggang Villa kasama ang asawa na si Primetime King Dingdong Dantes.

Panoorin:


FIRST LOOK: DONGYAN'S NEW HOUSE