GMA Logo Katrina Halili and Jon Lucas
What's Hot

Misis na iniwan ng asawa, sinorpresa ng negosyo packages ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published January 16, 2023 5:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David decries MAIFIP in proposed 2026 budget
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Katrina Halili and Jon Lucas


Bagong simula ang hatid ng Wish Ko Lang para sa misis na si Sara, na niloko at iniwan ng asawa.

Nasaksihan sa "Wish Ko Lang: Paluwagan" noong Sabado ang hirap na pinagdaanan ni Sara matapos na pagtaksilan at lokohin ng kanyang asawa.

Ang episode na ito ng Wish Ko Lang ay umabot ng 20 million views online, na pinagbidahan ng versatile actress na si Katrina Halili kung saan binigyang-buhay niya ang kuwento ng misis na si Sara.

Kahit na mahirap, sumali si Sara sa isang paluwagan para lamang mapagbigyan ang hiling ng mister na magkaroon ng sariling motor. Pero pagtataksil lamang ang isinukli sa kanya nito at ginawang mga babae ang mga kasama niya sa paluwagan.

Matapos niyang mabuking ang panloloko ng mister, tuluyan siyang iniwan nito at sumama sa ibang babae.

Para makatulong sa pagsisimulang muli ni Sara, naghanda ng sorpresa ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales.

Kasama sa negosyo packages ang ready-to-wear clothes business, nail care products, daily essential business, coffee business package, gourmet product business, frozen meat business, at brand new double burner stove.

May handog din na TESDA scholarship ang programa para sa pagpapalago ni Sara ng kanyang mga negosyo. Hindi rin mawawala ang tulong na pinansyal ng Wish Ko Lang.

Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

TINGNAN ANG SEXIEST LOOKS NI KATRINA HALILI SA GALLERY NA ITO: