
Iba't ibang reaksiyon ang inihahayag ngayon ng mga netizen tungkol sa ginawa ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga sa isang waiter.
Naging viral ngayong linggo ang video kung saan makikitang pinahiran ni Alex ng cake ang waiter na may hawak nito matapos hipan ang kandila sa kanyang birthday cake. Ang naturang video ay kuha mula sa kanyang 35th birthday celebration kamakailan.
Karamihan sa mga reaksiyon ay dismayado sa naging asal ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. May ilang pang nagsabi na hindi nakakatawa ang ginawa ni Alex, na makikitang masaya pa sa kanyang ginawa, base sa video.
"That wasn't funny. Ni hindi nya naman kilala yungs server (he looks like a server). Bastos," sabi ng Twitter user na si @ricci_richy.
I guess masama talaga ang ugali nya. That wasn't funny. Ni hindi nya naman kilala yungs server (he looks like a server). Bastos. pic.twitter.com/REXmeFLZm4
-- r'bonney mrt station (@ricci_richy) January 16, 2023
Dahil naman sa video, naalala ni John Mark Yap ang kanyang hindi magandang personal na karanasan nang makatrabaho umano niya si Alex sa isang pelikula.
Sabi pa niya, “She was just nice to me kasi mataas posisyon ko sa pelikula.”
As someone who has worked directly with this woman for her first film as a lead, I can personally say na masama talaga ugali ng babaeng ito!
-- John Mark Yap (@johninamillion) January 16, 2023
Always the cause of delay sa shooting. Almost everyone on set hated her.
She was just nice to me kasi mataas posisyon ko sa pelikula. https://t.co/jJbF7dQ9sN
Hindi naman nagpatumpik-tumpik ang vlogger at motivational speaker na si Rendon Labador sa opinyon nito tungkol sa nangyari sa waiter.
Sabi ni Redon sa Facebook, “Respeto lang sana tayo, kahit waiter si kuya wala kang karapatang gawin yan. Entitled ka masyado!”.
Napa-tweet ang former Juicy co-host ni Alex na si DJ Mo Twister. Matapang niyang inihayag, “Come on guys. She was drunk.…and stupid.
“Drunk and stupid. And a narcissist. Drunk and stupid and a narcissist.”
Come on guys. She was drunk.
-- Mo Twister (@djmotwister) January 16, 2023
…and stupid.
Drunk and stupid.
And a narcissist.
Drunk and stupid and a narcissist. https://t.co/lFpB8NsfrD
Siguro mas-acceptable ito kung ka-close mo yung tao, pero dahil sa “power dynamics” dito --Kuya as the server and Ms. Alex as the served-- hindi niya magagawa yun ☹️
-- Janina Vela (@janinavela) January 16, 2023
Service workers are our equals. It's their job to serve, but it's our job to give them the respect they deserve. https://t.co/6i7wZHDLcQ
Paalala na yung mga jokes dapat nakakatuwa for all parties involved
-- Ayn Bernos (@aynbernos) January 16, 2023
Sa kabilang banda, may ilan din namang kay Alex sa naging asal niya sa kanyang birthday party.

Hanggang ngayong Martes, January 17, trending sa Twitter Philippines ang pangalan ni Alex Gonzaga at kanyang asawa na si Mikee Morada.
Bukas ang GMANetwork.com sa anumang pahayag ni Alex Gonzaga tungkol sa isyu na ito.
CELEBRITIES, INFLUENCERS REACT TO ALEX GONZAGA'S VIRAL VIDEO: