GMA Logo voltes v legacy anti piracy campaign
What's Hot

'Voltes V: Legacy' stars lead GMA's anti-piracy advocacy campaign

By Jansen Ramos
Published January 19, 2023 5:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

voltes v legacy anti piracy campaign


Kasama nina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Matt Lozano, Radson Flores, at Raphael Landicho sina Barbie Forteza at Mikee Quintos sa pagbibigay ng kaalaman tungkol sa media piracy via GMA advocacy campaign na 'Stream Responsibly. Fight Piracy.'

Ngayong Huwebes, January 19, opisyal na inilunsad ng GMA Network ang sarili nitong anti-piracy advocacy campaign na "Stream Responsibly. Fight Piracy."

Ito ay inisyatibo ng GMA Anti-piracy Committee, na binubuo ng GMA International, GMA Legal Affairs, New Media, Inc., at GMA Worldwide, kasabay ng pakikipag-sanib pwersa nito sa Alliance for Creativity and Entertainment.

Napiling mga maging mukha ng adbokasiya ang Voltes V: Legacy lead cast na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Matt Lozano, Radson Flores, at Raphael Landicho para labanan ang media piracy na isa sa mga mabibigat na problema sa entertainment industry sa buong mundo.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Ayon kay Miguel, ang panonood sa tama at legal na viewing platforms ay isang simpleng paraan para sugpuin ang media piracy.

Aniya, "Kung naa-appreciate mo 'yung ginawa nila, pinapahalagahan at sinusuportahan mo 'yung mga ando'n sa show na 'yon o sa content na 'yon, ang pinakamaliit na bagay mong gawin is panoorin 'to sa proper platform."

Kung tutuusin, posible pang magdulot ng malware o iba pang scams ang panonood sa mga ilegal na platform at maaari rin itong makaapekto sa privacy or personal information ng isang user na sumusuporta sa mga pirated website at application.

"Siguro 'yun din 'yung misconception sa piracy na it's convenient, mas madali s'ya pero mas nakakapahamak pa rin 'yun and it's illegal. They think na it's harmless kung manonood sila ng films on pirated platforms and it's against the law," bahagi ni Ysabel.

Ang Maria Clara at Ibarra star na si Barbie Forteza at The Write One star na si Mikee Quintos ay nagsisilbi ring campaign ambassadors ng "Stream Responsibly. Fight Piracy."

Bilang anti-piracy advocacy campaign ambassadors, layunin nilang magbigay ng kaalaman, lalo na sa mga mas nakababatang audience, tungkol sa online piracy at sa mga negatibong dulot nito.