
Dream come true para sa content creator na si Zeinab Harake ang makita at makapagpa-picture kina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Sa mga larawang ibinahagi ni Zeinab sa kanyang Instagram, makikita na hanggang tenga ang ngiti ni Zeinab.
Sulat niya sa caption, "My forever lodi, My marimar i love you so so much @marianrivera. Finally my dongyan heart."
Sa kanyang parte, ipinakita ni Marian ang kanyang kasiyang ma-meet si Zeinab sa pamamagitan ng pag-reply ng flying kiss and heart emojis sa comment section.
Noon pa man ay bukambibig na ng 24-year-old content creator ang paghanga niya kay Marian. Sa press conference ng isang beauty brand na pareho nilang iniendorso ng Kapuso star, sinabi ni Zeinab na nais niyang makita sa personal ang aktres.
Aniya, "Nine years old pa lang ako, siya na yung pine-peg ko sa ngiti ko, sa galaw ko."
KILALANIN PA SI ZEINAB SA GALLERY NA ITO: