GMA Logo Annette Gozon-Valdes, Glaiza De Castro and David Rainey
What's Hot

Annette Gozon-Valdes, other GMA execs among Glaiza De Castro and David Rainey's wedding godparents

By Jansen Ramos
Published January 23, 2023 1:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Annette Gozon-Valdes, Glaiza De Castro and David Rainey


Bigatin ang mga ninong at ninang nina Glaiza De Castro at David Rainey para sa kanilang second wedding na gaganapin sa Zambales.

Star-studded ang wedding guest list nina Glaiza De Castro at David Rainey para sa kanilang kasal ngayong araw, January 23, na gaganapin sa Sundowners Beach Villas sa Zambales.

Kabilang na riyan ang mga bigating ninong at ninang ng couple na mga boss at mga kasamahan ng aktres sa Philippine entertainment industry.

Ilan dito ang GMA executives na sina GMA Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group, and President of GMA Films Atty. Annette Gozon-Valdes at GMA Assistant Vice President for Talent Management Joy Marcelo.

Nasa listahan din ng principal sponsors nina Glaiza at David sina Sparkle Senior Talent Manager Tracy Garcia, manager ni Glaiza na si Manny Valester, CEO ng Nice Print Photography na si Charisse Tinio, at TV host na si Willie Revillame.

Inaasahan din ang pagdalo ng iba pang mga kaibigan ni Glaiza sa showbiz gaya nina Angelica Panganiban, Rochelle Pangilinan, Chynna Ortaleza, Sheena Halili, Isabel Oli, at Alessandra De Rossi.

Una nang ikinasal sina Glaiza at David noong October 2021 sa isang intimate at private ceremony na ginanap sa United Kingdom, na dinaluhan ang pamilya ni David, isang Irish.

Tradisyonal ang naging kasal ng couple matapos magsagawa ng Celtic rituals kung saan itinali ang kanilang kamay, o handfasting, bilang simbolo ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa,.

NARITO ANG ILANG LARAWAN MIULA SA KANILANG IRISH WEDDING: