GMA Logo Anjo Yllana and Janno Gibbs
What's Hot

Anjo Yllana, nanghihinayang iniwan si Janno Gibbs sa dati nilang show

By Nherz Almo
Published January 24, 2023 7:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Park Ji Hoon is coming to Manila in 2026
Hoopster from Pavia, Iloilo is NCAA 101's Most Valuable Player
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Anjo Yllana and Janno Gibbs


Anjo Yllana: “I regret na naiwan ko si Janno [Gibbs] kasi ang dami pa sana naming nagawa o pinagsamahan.”

Aminado si Anjo Yllana na nakararamdam siya ng panghihinayang sa tuwing naaalala niya ang ginawang pag-iwan noon sa kaibigang si Janno Gibbs sa dati nilang hit sitcom na Ober Da Bakod.

“Until now, nararamdaman ko pa rin, I can still feel the pain kapag naaalala ko yung sitwasyon.,” bungad ni Anjo nang ikuwento niya ito sa entertainment media sa press conference ng upcoming movie nilang Hello Universe kamakailan.

Patuloy niyang pag-alala, “There was a time I had to make a choice, because of the channel wars of ABS-CBN at GMA, I was forced to leave Janno sa Ober Da Bakod. If I look back, especially after one year or two years na nami-miss ko na yung samahan namin, nami-miss ko na yung kami ang namamayagpag noon sa GMA-7, I felt sadness and it took me years.

“Up to now, kapag naaalala ko… ano kaya kung sana di ako umalis? Parang that ended all the chemistry namin, yung success, at samahan for a long, long time.

“So, yun ang isang low ko, I left my partner. 'Di ba, masakit yun? Pinagpalit ko yung show. Parang I regret na naiwan ko si Janno kasi ang dami pa sana naming nagawa o pinagsamahan kahit na super close pa rin kami ngayon, siguro marami pa sana kaming nagawang movies, marami pa kaming nagawang TV shows.”

Bukod kina Anjo at Janno, bumida rin sa Ober Da Bakod sina Donita Rose and Gelli de Belen. Ito ay napanood mula 1992 hanggang 1997 sa ilalim ng direksyon ni Ariel Ureta, na napapanood ngayong sa GMA Telebabad series na Luv Is: Caught in His Arms.

Para sa kanyang parte, tinanong ng GMANetwork.com si Janno kung ano ang naging reaksiyon niya sa ginawa ng kaibigang si Anjo.

“Natutuwa ako doon, naaalala ko, dahil solo ko na yung show. Pati yung mga leading lady niya napunta na rin sa akin, so tuwang-tuwa ako doon,” pabirong sagot ng aktor.

Sabay seryoso niyang sinabi, “Malungkot, malungkot, kasi it's Dolphy-Panchito, Vic and Joey… mahirap na walang kabatuhan. Walang nakakatawang lead comedian kung walang support.”

Ayon naman kay Anjo, sobrang hiya niya noon sa cast at crew ng Ober Da Bakod.

“Lalo na sa akin kasi ako yung nang-iwan. In fact, kapag dumadalaw ako kasi nami-miss ko sila, pupunta ako sa set, nami-miss ko si Direk Ariel Ureta, pagpunta ko doon ang saya-saya. But hindi ako tumatagal kasi nahihiya ako, parang, 'Anong ginagawa mo rito? Kalaban ka nga namin. So, yun, nakakahiya lang.”

Gayunman, malaki raw ang pasasalamat niya kay Janno dahil nanatili ang pagiging malapit nilang magkaibigan sa kabila ng nangyari.

“Salamat naman kay Janno kasi tinanggap pa rin niya akong kaibigan, tinanggap pa rin niya akong kapatid kahit nagawa ko yun,” aniya.

Sa katunayan, bagamat nanghihinayang siya sa kanyang nagawa, itinuturing pa rin niyang isa sa proudest moment ang pagsasama nila ni Janno sa Ober Da Bakod.

Sabi niya, “Alam mo, suwerte ko na may kaibigan akong isang Janno Gibbs. Siguro sa aking tagumpay, hindi ko magagawa yun kung wala siya. Ibig kong sabihin, yung samahan namin, yung tagumpay, teamwork, yung samahan. Like, Ober Da Bakod, [Ober Da Bakod] the movies, sa Eat Bulaga magkasama rin kami nang matagal, 'tapos yung last nga ay yung Happy Time.

“Ang proudest ko doon ay noong lahat ng show ng Channel 2 ay nasa Top 20, we made a sitcom sa GMA and pumapalo kami sa Top 10, yung Ober Da Bakod ng Viva at GMA. 'Tapos, para sa akin, sa amin ni Janno, yun ang isa sa proudest moment sa career ko kasi nagawa namin 'yon. Parang ang kalaban namin ay giant pero nakapasok kami sa Top 10, nakilala kami ng mga tao, natutuwa sila sa Ober Da Bakod, nagkaroon pa nga ng movies.”

Bukod sa Ober Da Bakod at Eat Bulaga, nagkasama rin sila sa comedy shows ng GMA Network na Beh Bote Nga (1999) at Nuts Entertainment (2003)

Sa ngayon natutuwa ang magkaibigan na muling nagkasama sa isa na namang comedy project, ang pelikulang Hello Universe, na idinirehe ni Xian Lim.

Saad ni Janno, “We're hoping that Hello Universe brings back good comedy, quality comedy, sa theaters. Marami nang comedies ang nagdaan, some are good, some are okay; but a lot of them, even yung mga kasama kami ay so-so lang. Sana makabalik yung quality film na maganda ang pagkagawa.”

Dagdag pa niya sa huli, “Umpisa lang naman itong Hello, Universe. Katunayan, nag-pitch na ako ng reboot ng Ober Da Bakod. So, tinatrabaho ko 'yan ngayon, ang bagong Ober Da Bakod, kung ano na ang nangyari sa kanila after so many years.”

SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG MGA NAKASAMA NINA ANJO AT JANNO SA NUTS ENTERTAINMENT: