GMA Logo Susan Enriquez
PHOTO COURTESY: Susan Enriquez (Facebook)
What's Hot

Susan Enriquez, may payo para sa mga nais maging mamamahayag

By Dianne Mariano
Published January 25, 2023 12:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Susan Enriquez


Ano kaya ang mga payo ni GMA Public Affairs host Susan Enriquez para sa mga nais tahakin ang mundo ng pamamahayag?

Kilala ang GMA Public Affairs host na si Susan Enriquez sa paghahatid ng iba't ibang mga kuwentong nagbibigay inspirasyon sa bawat mamamayang Pilipino.

Ang tinaguriang “Kumare ng Bayan” ang nagsisilbing host ng GMA program na Pera Paraan, kung saan ibinabahagi ang practical tips pagdating sa pera at negosyo, at IJuander, kung saan malalim na pinag-uusapan ang iba't ibang aspeto ng kulturang Pilipino.

Sa isang panayam sa batikang broadcast journalist, nagbigay siya ng ilang mahahalagang payo para sa mga nais maging mamamahayag.

Ayon kay Susan, importante na ikuwento ng isang journalist ang katotohanan, lalo na sa panahon na laganap ang fake news o misinformation.

Aniya, “Kung itutuloy nila 'yung pagtahak dito sa larangan ng pamamahayag bilang journalists, ilahad nila 'yung totoong kuwento. At sana lagi sa paglalahad nila ng mga kuwento, makakatulong 'yon para magbigay ng inspirasyon doon sa mga taong makakapanood ng kuwentong ilalahad nila mula sa kuwento ng ibang taong nakausap nila.”

Kuwento pa ni Susan na malaki ang kahalagahan na maibahagi ang mga istorya ng ordinaryong Pilipino dahil ito ang nagbibigay ng koneksyon at inspirasyon sa mga manonood.

“Halimbawa, 'yung kuwentong inilalahad mo, napanood ng viewers at parang gano'n din 'yung kuwento ng buhay nila. Kung 'yung istoryang inilalahad mo will inspire doon sa mga manonood, e 'di kahit papaano nakatulong ka.

“Napakahalaga talaga na naikukuwento natin nang maayos [at] maliwanag 'yung mga kuwento ng ibang tao para magkaroon ng koneksyon doon sa ating mga manonood,” saad niya.

SAMANTALA, ALAMIN ANG IBA'T IBANG AWARD-WINNING GMA PUBLIC AFFAIRS SHOWS SA GALLERY NA ITO.