
Naghahanda na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara para sa kanilang bagong digital series na Zero Kilometers Away.
Sa look test nina Mavy at Kyline, ipinasilip na nila kung ano ang gagampanan nilang role sa kauna-unahang digital series ng GMA Public Affairs.
Gagampanan nina Mavy at Kyline sina Ardi at Gwen, matalik na magkaibigan na parehong gumagamit ng iba't ibang dating apps.
"It's still the pandemic, and it's still there, and ang dami pang nag-o-online dating or meet ups, or whatsoever, and it's very present ngayon. That's what I'm very excited about it kasi ang daming makaka-relate dito sa series na ito," saad ni Mavy sa panayam ni Cata Tibayan sa 24 Oras.
Patikim naman ni Kyline, "Paasa moments. Magiging sila na ba? Or paasa in a way na sana naman maging sila na, or lalayo ba 'to? Lalayo ba siya? May mami-meet ba siya? Magiging sila ba nung mami-meet niya?"
Abangan ang iba pang detalye tungkol sa Zero Kilometers Away sa GMANetwork.com.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG NAKAKAKILIG NA MGA LARAWAN NINA MAVY AT KYLINE DITO: