
Mula sa matagumpay nilang tambalan sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra, magkasama na rin sa isang brand endorsement ang Kapuso stars na sina Barbie Forteza at David Licauco.
Pumirma sina Barbie at David ng isang kontrata sa ISHIN, isang high-quality at affordable na glutathione brand. Sila ang kaunaunahang celebrity endorsers ng nasabing glutathione food supplement.
Big fans ng tambalang FiLay o Fidel at Klay ang mag-asawa at owners ng ISHIN na sina Shirleen Bautista at Mario Miguel Bautista.
From left to right: David Licauco and Barbie Forteza with ISHIN owners Shirleen Bautista and Mario Miguel Bautista.
"Talagang personal choice ko si Barbie [na maging endorser]. 'Yung image ni Barbie sobrang innocent tapos ang ganda. Kahit mag-wear siya ng swimsuit, she still looks that innocent. Napaka angelic ng face ng overall look niya, bagay na bagay siya dito sa brand. Si David naman talagang mukhang Korean [leading man] siya," kuwento ni Shirleen.
"Iba nga talaga 'yung kilig ng wife ko dito sa tambalan. Siguro marami naman sa inyo ganoon din 'yung nararamdaman. Noong na-meet namin talaga sila, we have no doubt they really resonate with our brand. Talagang it is the right fit," dagdag naman ni Mario Miguel.
Agad na tinanggap ni Barbie ang endorsement dahil na-impress daw siya sa produkto.
"'Yung capsules talaga, 'yung oral supplement [ang paborito ko] kasi aside from it promotes whitening of the skin, mayroon din siyang collagen. Sa trabaho namin, pagud-paguran and all, gusto namin na ma-maintain pa rin 'yung angelic look. Para sa akin, its very refreshing whenever I take it--parang hindi ako umiyak nang limang oras," pahayag ng aktres.
Nag-resonate naman daw kay David ang kuwento ng pagsisimula ng brand, lalo na at isa rin siyang negosyante.
"Negosyante rin nag-start din noong pandemic. I know na same kami ng pinagdaanan. Napag-usapan, shinare nila kung paano sila nagsimula. Very inspiring 'yun for me. I'm just super excited. Ito 'yung first na endorsement namin ni Barbie together simula noong nag-start 'yung Maria Clara at Ibarra so I'm very thankful," lahad niya.
Bukod sa patok na mga food supplements, naglunsad na rin ang brand ng skin care line na ISHIN Skin.
Patuloy namang panoorin sina Barbie at David sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
SAMANTALA, SILIPIN ANG CONTRACT SIGNING NINA BARBIE FORTEZA AT DAVID LICAUCO PARA SA ISHIN DITO: