
Kalmadong nagbigay ng update ang TikTok creator at doctor na si Krizzle Luna o mas kilala bilang Doc Luna sa kaniyang post nitong Martes, January 24, matapos siya maaksidente.
Naiulat na nabangga ang kaniyang sinasakyang pick-up habang bumibiyahe sa Marcos Highway (Baguio) noong January 20 ng isang truck na diumano ay nawalan ng preno.
Sa latest TikTok video ni Doc Luna na may mahigit seven million views, idinetalye niya na sumailalim siya sa isang operasyon para sa kanyang spine.
Lahad ng content creator, “Una po sa lahat pasensya na kasi hindi po ako nakapag-update nitong mga nakaraang dalawang araw”, paliwanag ni Doc Luna, “Magandang balita naman po naging successful po 'yung operasyon ni Doc Luna, na-align naman po 'yung aking spine, mahaba-habang rehab pa po.”
Pagpapatuloy niya, “Hindi ko pa po masyado naggi-grip 'yung kamay ko, wala pa po motor function, hindi ko pa po nagagalaw 'yung paa ko, pero so far malaki naman po 'yung improvement natin.”
“Mula po Baguio tina-traction po ako para maging stable po muna 'yung spine ko, pagkatapos sa buti po ng Panginoon nakapag-travel naman po tayo ng matiwasay, nakarating tayo ng maayos sa Manila para po surgery ko.”
@lunakrizzle UPDATE KAY DOC LUNA!
♬ original sound - Dr. Krizzle Luna 🌙
Taos puso rin ang pasasalamat ni Doc Luna sa buong medical team sa ibinigay nilang suporta.
Aniya, “Gusto ko po magpasalamat sa mga prayer warriors, sa buong healthcare team po na tumulong sa akin. Sa lahat ng doctor ko, nurses, at lahat ng bumubuo ng healthcare team na tumulong sa akin. Maraming, maraming, maraming salamat po, hindi ko na po kayo maisa-isa.”
“Isang good news na rin po nasimulan ko na po 'yung first day ng rehab ko, the earlier kasi, the better para mapaaga 'yung improvement natin.”
Bumuhos naman ang mensahe ng fans ni Doc Luna na ipinagdasal ang agarang paggaling nito.
Bukod sa kaniyang TikTok page, may YouTube channel din si Doc Luna na may mahigit sa 289,000 subscribers na.
SHOCKING CELEBRITY ACCIDENTS