GMA Logo The Missing Husband, Joross Gamboa and Jak Roberto
Courtesy: jakroberto (IG)
What's Hot

Photos nina Joross Gamboa at Jak Roberto habang nasa taping ng 'The Missing Husband,' pinag-usapan online

By EJ Chua
Published January 30, 2023 8:52 PM PHT
Updated January 30, 2023 8:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

The Missing Husband, Joross Gamboa and Jak Roberto


Abangan sina Joross Gamboa at Jak Roberto sa upcoming mystery drama series na 'The Missing Husband.'

Ngayong 2023, mapapanood sa GMA ang mystery drama series na pinamagatang The Missing Husband.

Ito ay pagbibidahan nina Yasmien Kurdi, Rocco Nacino, Jak Roberto, Nadine Samonte, Sophie Albert, at Joross Gamboa.

Siguradong maraming manonood ang mapapaiyak at mapapagigil dahil sa bigat ng mga eksenang mapapanood dito.

Nito lamang nakaraang linggo, nagsimula nang mag-taping ang ilan na kabilang sa cast ng serye tulad na lamang nina Joross at Jak.

Hindi naitago ng netizens at ilan sa kanilang fans ang kanilang excitement para sa bagong proyekto na pagsasamahan ng dalawang aktor.

Sa latest Instagram post ni Jak, ibinahagi niya ang ilang larawan nila ni Joross kasama ang kanilang direktor na si Direk Mark Reyes.

Ayon sa caption ng Kapuso actor, “First day of taping with @joross_gamboa and @direkmarkreyes #TheMissingHusband #Soon.”

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto)

Ang netizen na si @jomeltine, namiss daw si Joross, “Namiss ko 'yan si Joross.”

Bukod pa rito, napuno naman ng heart at fire emojis ang comments section ng posts ni Jak.

Bukod kina Yasmien, Rocco, Jak, Nadine, Sophie, at Joross, kabilang din sa upcoming GMA series sina Shamaine Buencamino, Max Eigenmann, at marami pang iba.

SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG PROYEKTONG NAIS MATUNGHAYAN NG MGA KAPUSO NGAYONG 2023 SA GALLERY SA IBABA: