GMA Logo Shayne Sava and Althea Ablan in AraBella
What's Hot

'AraBella' teaser, may mahigit 1M views na sa loob ng 24 oras

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 2, 2023 1:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Shayne Sava and Althea Ablan in AraBella


Mapapanood na ang 'AraBella' simula February 27 sa GMA Afternoon Prime.

Talagang inaabangan na ng mga manonood ang pagbabalik sa drama ng nag-iisang Camille Prats sa upcoming GMA Afternoon Prime series na AraBella.

Sa katunayan, may mahigit isang milyong views na ang teaser na iilabas ng programa kung saan ipinatikim na sa mga manonood kung ano ang dapat abangan sa AraBella.

AraBella

Mapapanood sa plug ang pagbabalik ng tunay na anak ni Roselle (Camille Prats) na si Bella (Althea Ablan) sa saktong araw na ipinakilala ni Roselle si Ara (Shayne Sava) bilang legal na anak niya.

Ano kaya ang mangyayari kay Ara ngayong dumating na sa buhay ni Roselle si Bella? Papayag kaya ang dalawa na manirahan sa iisang bahay?

Panoorin ang world premiere ng AraBella sa February 27 sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA LARAWAN NOON AT NGAYON NG PAMILYA NI CAMILLE PRATS DITO: