GMA Logo Victor Neri and Unbreak My Heart lead stars
What's Hot

Victor Neri at Gardo Versoza, kabilang sa cast ng biggest collaboration project na 'Unbreak My Heart'?

By EJ Chua
Published February 2, 2023 2:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OPINION: COP30: What is missing from the conversation
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Victor Neri and Unbreak My Heart lead stars


'Unbreak My Heart' cast, nagsimula nang mag-taping; Victor Neri at Gardo Versoza, mapapanood din sa serye?

Nagsimula nang mag-taping ang cast ng most-awaited drama series na Unbreak My Heart.

Matatandaang nito lamang January 23, opisyal nang ipinakilala ang Kapuso at Kapamilya stars na bibida sa upcoming series.

Sila ay sina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria.

Ipinakilala rin ang ilang makakasama nila sa biggest collaboration project na ito, tulad na lamang nina Maey Bautista, Laurice Guillen, Nikki Valdez, Eula Valdes, Will Ashley, at Bianca De Vera.

Bukod sa mga aktor na unang nabanggit, mapapanood din sa pinakapinag-uusapang serye ay sina Victor Neri at Gardo Versoza.

Sa latest posts ni Victor sa kaniyang Instagram account, makikita sa ilang larawan na kaniyang inupload na kasama niya ang ilan sa Unbreak My Heart stars.

Ang kaniyang unang ibinahagi ay ang mirror photo nila ng lead actor na si Richard Yap.

Kakabit ng larawan ay ang kaniyang caption na, “Back on the set! #comingsoon #abscbngma7 @richardyap.”

Sa hiwalay na post ay mapapanood naman na nagti-TikTok sa kaniyang tabi sina Gardo Versoza, Richard Yap, at isa pang lalaki.

Ang latest post naman ni Victor ay ang larawan kung saan makikitang kasama niya sina Joshua, Jodi, Gabbi, at ilang staff ng serye.

Matapos ilabas ang official announcement tungkol sa upcoming teleserye, ibinahagi ni Atty. Annette Gozon-Valdes, GMA Senior Vice-President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Groups, ang ilan sa mga dapat abangan ng mga manonood sa biggest collaboration na ito ng GMA, ABS-CBN, at Viu Philippines.

Panoorin ang video na ito:

Abangan ang iba pang update tungkol sa unexpected at biggest collaboration na ito.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UNBREAK MY HEART SA GALLERY SA IBABA: