Showbiz News

Barbie Forteza, ibinahagi ang ilang detalye tungkol sa pinapagawa niyang bahay

By Aedrianne Acar

Biggest achievement na maituturing ng Sparkle primetime actress na si Barbie Forteza na mabigyan ng sariling bahay ang kaniyang pamilya.

At ang Maria Clara at Ibarra star, one step closer to fulfilling it nang ibahagi niya last November 2022 na nagpapatayo na siya ng kaniyang dream house.

Sa panayam ni Barbie sa GMANetwork.com kahapon, February 6, matapos ang kaniyang oath taking bilang isa sa ambassadors ng GMA-7's anti-piracy campaign "Stream Responsibly. Fight Piracy,” na idinaos sa GMA Network compound, inilahad niya kung bakit napaka-importante sa kaniya ang pinapatayo niyang bahay.

Kuwento ng Kapuso Primetime Princess, “Actually, hindi lang siya highlight ng 2022, highlight siya ng buhay ko. Kasi, 'pag natapos 'yun it will be such an achievement for me na makapagpatayo ng bahay para sa pamilya ko.”

“Because, I love my family so much! And 'yun 'yung isa sa mga achievements ko for them, isa 'yun sa mga dream ko for them na magkaroon ng sarili naming bahay.”

In terms of design inspiration, sinabi ni Barbie na gusto niya na “inviting” at “warm” ang mood ng kaniyang brand-new home.

“Nothing grand actually, basta gusto ko it will really feel like home and it will not feel intimidating na parang ni ayaw mo mag-tsinelas sa loob or ayaw mo madumihan 'yung part nung bahay.

“Gusto ko maging bahay siya, kasi doon lang kami halos nagsasama-sama ng mga pamilya ko, so I want my house to be functional and to feel like home sa amin ng family.”

An anti-piracy initiative of GMA-7

Samantala, ang "Stream Responsibly. Fight Piracy” campaign ay isang inisyatibo ng GMA Anti-piracy Committee, na binubuo ng GMA International, GMA Legal Affairs, New Media, Inc., at GMA Worldwide, kasabay ng pakikipag-sanib pwersa nito sa Alliance for Creativity and Entertainment.

Ibinahagi ni GMA International First Vice President and Head of Operations Joseph Jerome T. Francia kung paano makakatulong si Barbie sa kanilang campaign.

Paliwanag niya, “Number one po niya kailangan gawin, 'yung fanbase po niya ay tumulong siya i-educate sa benefits ng responsible viewing kasama diyan maprotektahan 'yung mga viewers na hindi mauuwi sa mga phishing scam, malware at iba pang sites na hindi maganda ang idudulot sa ating mga viewers.”

May paalala din si Mr. Francia sa lahat ng viewers at netizens na i-stream lamang ang mga paborito n'yo na GMA-7 shows tulad ng Maria Clara at Ibarra sa mga lehitimong sites.

“Alam po natin na very popular po ang programang ito ngayon, Maria Clara at Ibarra in the Philippines and around the world, so we want to encourage 'yung ating po mga viewers to go only to the legitimate sites kung saan mae-enjoy nila ng todo-todo itong programa ni Barbie [Forteza] at ng buong cast ng Maria Clara at Ibarra.

“This is part of our campaign for responsible viewing, only on legitimate sites.”

Present din sa oath taking ni Barbie si Assistant Vice President for Litigation Legal Affairs Department Atty. Jose Vener Ibarra.

Samantala, taos-puso naman ang pasasalamat ni Barbie na maging parte ng nasabing campaign ng kaniyang home network.

“I'm just so grateful that [out] of all the artists of GMA, isa po ako sa napili to be the ambassador of anti-piracy kasi it is such a responsible campaign to be part of. Kasi nga, ngayon na digital na lahat and siyempre hindi na natin mapipigilan 'yung mga ganiyan, piracy, especially sa Maria Clara at Ibarra, 'di ba?

“Kaya good move na rin ng GMA na they opted to move the streaming sa official website ng GMA Network at 'yung replays sa GMA Network app para talagang doon na makuha. Straight from the source,”

Tuloy-tuloy pa rin ang pagte-trend gabi-gabi ng primetime series na Maria Clara at Ibarra na nalalapit na ang pagtatapos.

Ano-ano kaya ang mga dapat abangan sa finale ng well-loved serye?

Pagbibida ni Barbie na gumaganap bilang Klay, “I'm excited for them kasi, kahit presold na 'yung kuwento ng dalawang libro, may mga ginawa kaming unexpected plot twists na they have to watch out for, especially for me [Klay] and Fidel na hindi naman talaga characters ng dalawang nobela.

“So, abangan na lang nila.”

SILIPIN ANG MGA PINAPAGAWANG BAHAY NG PABORITO N'YO NA CELEBRITIES DITO: