
Bigo ang karakter ni Brent Valdez na si Alfonso Linarez na mapaibig si kay Maria Clara (Julie Anne San Jose) sa hit GMA Telebabad series na Maria Clara at Ibarra.
Tulad ni Alfonso, hind rin pinalad sa pag-ibig si Brent sa totoong buhay nang aminin niyang na-friendzone siya ng kapwa aktress at Voltes V: Legacy star na si Angela Alarcon.
Sa interview ni Brent sa online talkshow na 'Marites University,' inamin niyang konti pa lang ang naging girlfriend niya at lahat sila ay hindi galing showbiz. Pero inamin din niya na meron siyang niligawan, at iyon ay kapwa niya Kapuso star na si Angela.
“We've been doing content together and kasama din siya sa live streaming app na ginagamit namin. There came a point na parang she's my crush and then, at one point in time, I felt like, 'Sabihin ko kaya sa kanya yung nararamdaman ko?'” he said.
Sinabi din niya na wala naman daw mawawala kung sasabihin niya at “Dalawa lang naman 'yan, pwedeng yes, pwedeng no. At least, ginawa ko.”
Inalala ni Brent ang sagot ni Angela sa kanya, “You are... napaka-galing mo, napaka-husay mo, pero I always see you as my friend.”
Idinagdag niya na kahit ganoon ang nangyari ay naging malapit na magkaibigan naman daw sila. Nag-sorry pa ito kay Angela na nabanggit pa nito ang aktres sa online show, ngunit in-assure naman siya ng isa sa mga host na si Rose Garcia na “mas naa-appreciate ngayon ng mga netizens at mga fans yung honesty.”
Samantala, sinabi ni Brent na kahit single siya ay okay naman siya at masaya dahil busy din siya sa trabaho bilang aktor at singer. Gayundin, nabanggit niya na pagpasok ngayon sa isang relasyon ay magdadala lang ng problema.
“Focus muna sa work kasi I've been juggling two things at once so going inside a relationship magdadala yan sa akin ng problema,” saad nito.
Dagdag pa niya, “'Pag pumasok ka sa love, wala yan, masakit sa ulo talaga.”
KILALANIN ANG ACTOR-SINGER NA SI BRENT VALDEZ DITO: