GMA Logo Connie Sison, Raffy Tima
What's Hot

Raffy Tima and Connie Sison renew contract with GMA Network

By Jimboy Napoles
Published February 9, 2023 7:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pag-abli sa Davao City Coastal Road Segment B dili na madayon | One Mindanao
Bondi Beach hero becomes source of pride in Syrian hometown
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Connie Sison, Raffy Tima


Mananatiling Kapuso sina Raffy Tima at Connie Sison sa kanilang muling pagpirma ng kontrata sa GMA Network. Congratulations!

Pormal na muling lumagda ng bagong kontrata sa GMA Network ang mga batikang mamamahayag ng GMA News and Public Affairs na sina Raffy Tima at Connie Season ngayong Huwebes, February 9.

Sa nasabing contract signing, personal na nagbigay suporta sa dalawa ang ilan sa GMA executives na sina First Vice President and Head of GMA Regional TV and Synergy and acting head of GMA Integrated News na si Oliver Victor B. Amoroso, GMA Integrated News Vice President Michelle Seva, at GMA Integrated News Consultant Grace Dela Pena Reyes.

Dumalo rin sa naturang event ang Senior Program Manager at Executive Producer ng programa nina Raffy at Connie na Balitanghali na sina Ahd Marco Bautista at Ralph Baudin.

Present din dito si Assistant Vice President for Corporate Communications na si Jojo Aquio.

Mahigit sa dalawang dekada nang nagseserbisyo bilang isang mamamahayag si Raffy at labing-pitong taon na rin siyang news anchor ng weekday noontime news program na Balitanghali.

Gaya ni Raffy mahigpit sa dalawang dekada na rin sa industriya si Connie at labing-tatlong taon na rin siyang nagbabalita bilang news presenter sa naturang programa.

Matapos na mag-renew ng kanilang kontrata, isa-isang pinanoood nina Raffy at Connie ang video ng pagbati ng kanilang mga kaibigan at kasama sa industriya na sina Maki Pulido, Pia Arcangel, Atom Araullo, Vicky Morales, at Arnold Clavio.

Bilang pasasalamat, nagbigay naman ng mensahe sina Raffy at Connie sa lahat ng mga Kapuso na patuloy na naniniwala sa kanilang pagbabalita at sa kanilang programa.

Mensahe ni Connie, “Mga Kapuso, thank you very much for your support, alam po namin na itong mga panahon natin ngayon ay masalimuot pero naniniwala ako na kayo po ay patuloy na gagabay rin sa inyong mga anak through our newscast na nagbibigay po ng talagang serbisyong totoo, mga impormasyong totoo para hindi po tayo maligaw at lagi tayong nasa tama lamang na pag-iisip.”

Dagdag pa niya,”We hope that through our newscast 'di ba? 'Yung mga binibigay po naming mga impormasyon sa inyo ay kayo po ay makapag-form ng inyong mga sariling valid information and opinions.”

Binigyang importansya naman ni Raffy ang mga impormasyong naibibigay ng programang Balitanghali sa bawat manonood.

Aniya, “Maraming-maraming salamat sa mga sumusuporta sa Balitanghali, sana ipalaganap pa ninyo na mayroong programa na nagbibigay ng balita sa tanghali sa mga gustong makapakinig at makapanood ng mga totoong balita, follow up sa mga malalaking balita, at sa mga breaking stories.

“Ipamalita po ninyo na mayroong Balitanghali na gagabay sa inyong kagustuhan na magkaroon ng mga bagong impormasyon. Thank you sa seventeen years and more ng Balitanghali.”

Samantala, patuloy na panoorin ang Balitanghali kasama sina Raffy at Connie, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m sa GTV. Maaari rin itong mapanood sa digital channels na I Heart Movies at Heart of Asia. Para naman sa mga Kapuso abroad, makibalita naman sa international channel ng GMA na GMA News TV.