
Sa unang anibersaryo ng Sparkle GMA Artist Center, nagbahagi ang renowned starmaker na si Johnny "Mr. M" Manahan ng kanyang kuwento tungkol sa pagdiskubre ng mga artista sa showbiz.
Si Mr. M ay na-interview ni Alden Richards sa isang espesyal na video sa Sparkle GMA Artist Center.
PHOTO SOURCE: Sparkle GMA Artist Center
Ayon kay Mr. M, 90 percent of the time ay nalalaman na niya kung sisikat ang isang artista sa unang kita pa lang.
"Magic e. Whatever we do here, you can't explain it. It's magic," ani Mr. M.
Kasunod nito, nilinaw ni Mr. M na kailangan pa rin pagsikapan ng isang aspiring actor o actress ang pag-aartista.
"You have to do the homework first. You have to do the craft and discipline. At a certain time, nagiging magic is why you have a connection with the audience. Some sort of a connection which makes you a star."
Ayon sa obserbasyon ni Mr. M, karaniwang nakikitaan niya ng takot lalo na kapag bago pa lang sa pagpasok sa showbiz.
"Kung minsan medyo raw pa, kung babae they haven't bloomed, 'pag lalaki ganoon din. Raw and very very scared."
May ilang artista na nagpabilib kay Mr. M sa ilang taon niyang pagtratrabaho sa showbiz.
"Nandiyan sila Jericho Rosales, si Piolo (Pascual), Alden Richards. Sila Bea Alonzo, Si Sanya (Lopez)... there are a lot of talented people sa GMA. In the future, I hope I can bring more people in and develop din."
Panoorin ang mga kuwento ni Mr. M bilang starmaker at ang kanyang personal life sa video na ito:
BALIKAN ANG 7 FACTS YOU NEED TO KNOW ABOUT MR.M: