GMA Logo 46 Days
What's Hot

46 Days: Ang simula ng mga plano | Week 2

By Ron Lim
Published February 14, 2023 6:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Usa ka Chapel sa Mandaue City, Nangandam na alang sa Sinulog | Balitang Bisdak
Elderly man, young girl hurt in strong blast in Tondo, Manila
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

46 Days


Sa ikalawang linggo ng '46 Days', nagsimula nang kumilos si Celine para maisakatuparan ang kanyang pangako.

Sa ikalawang linggo ng 46 Days, nagsimula nang kumilios si Celine para matupad ang pangako niya kay Nina na mapupunta sa kanyan ang gwapong si Doc Kevin.

Nagsimula na ang plano ni Celine upang pigilan ang kasal ni Doc Kevin at Rizza para mapunta ang gwapong doktor sa kanyang kaibigan na si Nina. Isa sa mga plano ni Celine ay mag-panggap na driver upang kumbinsihin si Doc Kevin na hindi magandang ideya ang pakasalan si Rizza. Isa na sa mga sinubukang rason ni Celine ay ang di-umanong magiging di pagkakaintindihan ni Doc Kevin at ang kanyang magiging asawa.

Kung sinusubukan ni Celine na kumbinsihin si Doc Kevin na mamalasin siya kapag ikinasal siya kay Rizza, si Celine naman ay wala rin swerte sa kanyang kasalukuyang nobyong si Warren. Maliban sa wala na itong trabaho, mas lalo pang lumitaw ang hindi nila pagiging compatible habang nasa isang date kasama ang mga magulang ni Celine.

Lugmok na nga ang love life, unti-unti pang nauubos ang mga nanood sa livestream ni Celine. Lingid sa kanyang kaalaman, isa sa mga pasyente ni Doc Kevin ay paborito siyang panoorin habang kumakain. Dahil desperado na mapakain ang kanyang pasyente, nagpadala ng mensahe si Doc Kevin kay Celine na ituloy ang kanyang livestream.

Sa isang maswerteng pagkakataon, nakita ni Doc Kevin si Celine na kumakain. Nakiupo ito sa mesa ni Celine, at bilang isang doctor ay di nito maiwasang pagbawalan itong kumain ng taba at pinayuhan pang magpa-consult sa psychiatrist.

Upang mas mapadali ang kanyang misyon, pinayuhan ni Celine si Nina na baguhin ang sarili para maging babae na magugustuhan ni Doc Kevin. Maliban sa pagpayo na mag-ayos ito, sinabihan din ni Celine si Nina na ipakita ang kanyang dedikasyon at ipakita kay Doc Kevin na handa siyang ipaglaban ito para makuha ang puso nito.

Patuloy na abangan ang Lakorn na 46 Days sa GMA, 5:10 p.m.