
Thankful at excited ang sikat na TikTok content creator at successful businesswoman na si Rosemar Tan sa sunod-sunod na imbitasyon na kanyang natatanggap para mag-guest sa iba't ibang television shows tulad ng Kapuso Mo, Jessica Soho, Magpakailanman, at Wish Ko Lang.
Noong Sabado sa kanyang Facebook page, masayang ibinahagi ni Rosemar ang imbitasyon na natanggap mula sa wish-granting program na Wish Ko Lang para mag-guest sa isa nitong episode.
"OMG! Grabe tuloy-tuloy ang pang gulat! Another request from GMA-7 'Wish Ko Lang,'" saad nito sa kanyang post.
Makakasama si Rosemar sa taping ng "Wish Ko Lang: Pitong Asawa" sa Miyerkules, February 15, kung saan gaganap siya bilang Rachel. Para kay Rosemar, "nakakataba ng puso" ang maimbitahan at ma-feature sa ganitong show.
Sa episode na ito, makakatrabaho niya sina Akihiro Blanco, Maui Taylor, Mara Alberto, Claire Castro, Angel Leighton, at Elle Ramirez.
Abangan ang Wish Ko Lang tuwing Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.
KILALANIN ANG ILANG PINAY CELEBRITIES AT ANG KANILANG SUCCESSFUL BUSINESS SA GALLERY NA ITO: