GMA Logo David Licauco
What's Hot

David Licauco, emosyonal sa inihanda ng fans sa special screening ng 'Without You'

By Maine Aquino
Published February 16, 2023 12:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump brands fentanyl a ‘weapon of mass destruction’ in drug war escalation
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Saad ni David Licauco sa kanyang fans: "Naging emotional na ako by just seeing all of you guys here."

Puno ng sorpresa at pagmamahal ang fans ni David Licauco sa special screening ng kanyang pelikula na Without You.

Ang Without You ay ang bago niyang pinagbibidahang pelikula kung saan nakatambal niya si Shaira Diaz.

Nitong February 15 (Wednesday), ginanap ang special screening ng fans ni David Troops sa Ayala Cloverleaf sa Quezon City. Bukod sa sama-sama nilang panonood ng pelikula ni David ay naghanda pa sila ng mga sorpresa at regalo para sa kanilang idolo.

Naging emosyonal si David dahil hindi niya inaasahan ang mga inihanda ng kanyang fans.

Saad ni David sa kanyang fans, "Akala ko manonood lang tayo ng pelikula gaya nung sa Because I Love You. It's extra special because nakita ko 'yung love and suporta. Pagkakita nila sa akin, nakita ko na enthusiastic sila. Never ko na-imagine 'yun sa buong buhay ko kaya nakakataba ng puso."

Ayon pa kay David, araw-araw niyang nararamdaman ang pagmamahal at suporta ng mga fans kaya nagpapasalamat siya sa mga ito.

"Hindi ko in-expect na ganito yung crowd at yung pagmamahal na natatanggap ko on a daily basis. Sa tweets, sa TikTok videos, lahat 'yun na-appreciate ko. Kaya sobrang maraming salamat."

Pag-amin pa ni David, naging emosyonal siya dahil sa ginawa ng kanyang fans sa araw na ito.

"Actually kanina sobrang na-overwhelm ako. Naging emotional na ako by just seeing all of you guys here. Muntik na ako maiyak kanina. Actually naiiyak ako itinatago ko lang."

Dugtong pa ni David ay ang kanyang mensahe sa mga dumalo sa event na ito.

"Thank you so much, I love you guys. Galingan ninyo sa lahat ng ginagawa ninyo. Sobrang importante 'yun. Keep chasing your dreams."

Panoorin si David sa Maria Clara at Ibarra at sa pelikulang Without You.

SAMANTALA, NARITO ANG BOY NEXT DOOR LOOKS NI DAVID: