
Napalitan na ng galit ang nararamdaman ni Rico (Mario Maurer) para kay Kim (Yaya Sperbund)! Sa kanilang muling pagkikita, parang hindi sila nagkaroon ng relasyon! Malalaman ni Kim ang katotohanan na si Rico at Carl Raman ay iisa. Matutuklasan niya na ito ang naging tagapagmana ni Lisa Raman kung kaya't naging isa itong milyonaryo. Hindi naman lubos akalain ng kaniyang best friend na si Lita na buhay pa si Rico!
Paano na kaya ang kanilang naudlot na relasyon kung may iba na itong iniibig? Magkaroon pa kaya ng pagkakataon para magkaayos ang dalawa o tuluyan na silang paglalayuin ng tadhana?
Paano rin kung malaman ni Kim ang katotohanan na pinaglayo sila ng kanilang ama na si Michael?
Abangan mamaya sa Bad Romeo, 9:35 p.m., sa GMA Telebabad.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG 'BAD ROMEO' SA GALLERY NA ITO: