What's on TV

Ruru Madrid at Bianca Umali, naka tatlong takes sa kissing scene sa 'The Write One'

By Marah Ruiz
Published February 18, 2023 11:08 AM PHT
Updated March 8, 2023 5:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

ruru madrid and bianca umali


Tatlong beses kinunan ang kissing scene nina Ruru Madrid at Bianca Umali sa 'The Write One.'

Unang beses magtatambal sa isang serye nina Kapuso stars Ruru Madrid at Bianca Umali sa upcoming romance drama with a touch of fantasy na The Write One.

Noong Valentine's Day, nagbigay ang programa ng isang munting sneak peek sa isa sa pinakaaabangan eksena sa serye--ang wedding scene ng mga karakter nina Ruru at Bianca.

Makikita ditong nagluluha habang naglalakad patungo sa altar si Bianca habang emosyonal namang naghihitay dito si Ruru.

"Naglalakad siya, sabi ko, grabe napakaganda nitong babaeng ito. First time ko siyang nakitang naka wedding gown, of course. Wow, kung ito 'yung babaeng makaksama ko habang buhay, why not?" bahagi ni Ruru tungkol sa eksena.

Bukod doon, dito rin mapapanood ang kanilang first ever on-screen kiss.

Ayon kina Ruru at Bianca, nakatatlong takes sila para rito.

"Gusto naming maging perfect kasi first time kami makikita ng tao na magki-kiss. Talagang pinaghandaan namin nang husto. Kahit na maganda na 'yung take 1, sabi ko kay direk baka pwede nating ulitin kasi baka may mas igaganda pa," kuwento ni Ruru.

Dapat rin daw abangan ang mga outfits na isusuot ng kanilang mga karakter sa serye.

"Naiilang ako at first kasi sanay ako na umaarte ako na textured 'yung histura ko, alam ko na mahirap ako. It's my first ever role na mayaman and glamorous life. Sa bawat eksena iba iba pa 'yung ayos ko, not like before," lahad naman ni Bianca.

Panoorin ang buong panayam ng 24 Oras kina Ruru Madrid at Bianca Umali tungkol sa The Write One sa video sa itaas.

Ang The Write One ay isang serye mula sa GMA Public Affairs at ito ang unang bunga ng collaboration sa pagitan ng GMA Network at leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service Viu Philippines.

SAMANTALA, SILIPIN ANG FIRST TAPING DAY NG THE WRITE ONE SA EXCLUSIVE GALLERY NA ITO: