
Viral ngayon ang latest ng ad ng Netflix Philippines kung saan tampok ang original members ng iconic all-girl sing and dance group na SexBomb.
Naglabas ang nasabing streaming service noong Lunes, February 20, sa social media ng isang teaser kung saan maririnig ang sikat na kanta nilang "The Spaghetti Song."
"O, ano mga darling? Ready na ba kayo? Abangan bukas! ," maikling caption ng Netflix sa kanilang Facebook post.
Sa palagay ng marami, mapapanood ang 26 season ng drama anthology na Daisy Siete, na kinatampukan ng SexBomb Girls.
Ini-reveal din ng Netflix ngayong Martes, February 21, na isa itong advertisement para sa pagbabago sa kanilang subscription pricing.
Mapapanood sa ad ang original members ng SexBomb na sina Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, Sunshine Garcia, Cheche Tolentino, Mia Pangyarihan, at Johlan Veluz.
Sa ngayon, mayroon na itong mahigit 273, 000 views sa Facebook page ng Netflix Philippines ilang oras matapos itong i-release ngayong araw.
Panoorin ang buong ad dito:
Nabuo ang grupong SexBomb noong 1999 at napanood sa noontime show na Eat Bulaga hanggang 2011.
KAMUSTAHIN ANG BUHAY NGAYON NG OG SEXBOMB GIRLS SA GALLERY NA ITO: