GMA Logo Hailey Mendes Marian Rivera
What's Hot

Hailey Mendes, inspirasyon si Marian Rivera

By Dianne Mariano
Published February 21, 2023 3:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Nine Cavs hit double figures during blowout of Pelicans
This show from Seoul features dashing oppas and will debut in Manila
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

Hailey Mendes Marian Rivera


Alamin kung bakit isa sa mga nagsisilbing inspirasyon ni 'Underage' lead star Hailey Mendes si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera pagdating sa kaniyang showbiz career DITO:

Isa si Sparkle star Hailey Mendes sa lead stars ng GMA Afternoon Prime series na Underage kung saan kasama niya sina Lexi Gonzales at Elijah Alejo.

Bago pa man naging bahagi ang Fil-German beauty sa nasabing serye, napanood na rin siya sa iba pang Kapuso shows tulad ng Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation, Dear Uge, First Yaya, What We Could Be, at iba pa.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Hailey, ibinahagi ng rising Kapuso star ang mga taong nagsisilbing inspirasyon niya sa kanyang career bilang isang artista.

Isa na rito ay si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. “Ang inspiration ko po talaga si Ms. Marian Rivera. Hindi lang [siya] beauty and brains, kumbaga kahit saan honest po siya. Totoo siya sa lahat ng sinasabi niya at makikita n'yo talaga, and magaling po talaga siya. Full package. Kaya siya po 'yung nilu-look up ko na sana maging gano'n din ako balang araw,” kuwento niya.

Bukod sa renowned actress, nagsisilbing inspirasyon din ni Hailey ang kaniyang pamilya, kaibigan, at mga tagasuporta.

Aniya, “At siyempre, inspiration ko rin po ang aking family, friends, supporters na since day one, naniwala sa akin at sa kakayahan ko at sa mga maniniwala pa po sa akin.”

Marami ring natutuhang mga aral ang Sparkle artist sa loob ng limang taon na pagiging Kapuso.

“Natutunan ko na talagang dapat focused ka at saka na-enhance ko rin po 'yung social skills ko. Natutunan ko rin pong mas mahalin 'yung craft ko kasi hindi ko lang siya pangarap, e, love ko po 'yung ginagawa ko,” saad niya.

Subaybayan si Hailey bilang Carrie Serrano sa Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime at sa Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.

Mapapanood din ang Underage via Kapuso Stream at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

SAMANTALA, MAS KILALANIN PA SI HAILEY MENDES SA GALLERY NA ITO.