
Natunghayan na ng fans ang end game nina Klay at Fidel sa finale episode ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra kagabi, February 24.
Sina Klay at Fidel ay mga karakter na ginampanan nina Barbie Forteza at David Licauco sa teledrama. Unexpected din ang tambalan ng dalawang Kapuso actors dahil sa kanilang mga nakakikilig na eksena, na naging dahilan kaya nabuo ang FiLay love team.
Sa finale episode, hindi nabigo ang FiLay fans dahil muling nagtagpo ang dalawang karakter sa pagtatapos ng serye.
Pero ito na ba ang huling pagkakataon na mapapanood ng fans sina Barbie at David nang magkasama?
Ayon kay David, may ilan pa siyang proyektong gagawin kasama ang award-winning actress na si Barbie.
“I think I'm doing teleserye again with Barbie. I trust my manager and GMA. I'm just an actor. Mayroon din kaming movies na gagawin ni Barbie Forteza,”sabi ni David sa ginanap na media launch ng iniendorso niyang Blue Water Day Spa kamakailan.
Kamakailan lang, nagkaroon na ng teaser ang bagong proyektong pagsasamahan nina Barbie at David, ang weekend fantasy anthology na Daig Kayo ng Lola Ko.
Marami rin ang na-excite sa tweets ni David at Kapuso head writer Suzette Doctolero, na tila nagpapahiwatig ng sequel ng Maria Clara at Ibarra.
Sa kanyang tweet kagabi, sinabi ni Suzette: “Bakit bitin? Kasi… hindi pa babu!”
Sumagot naman dito si David ng, “Tuloy natin.”
Tuloy natin
-- David Licauco (@davidlicauco) February 24, 2023
Habang naghihintay sa susunod na kabanata ng Barbie-David, isang pasasalamat muna ang handog ng dalawang aktor sa kanilang supporters sa pamamagitan ng thanksgiving fans day sa Ayala Malls Cloverleaf sa Quezon City, bukas, 3 p.m., February 26.
SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA LARAWAN NINA BARBIE AT DAVID, NA NAGPAPATUNAY NG KANILANG ON-SCREEN CHEMISTY: