GMA Logo bad romeo
Source: GMANetwork
What's Hot

'Bad Romeo,' panalo sa TV ratings!

By Abbygael Hilario
Published February 26, 2023 7:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

bad romeo


Hindi lang sa Thailand patok ang romantic drama series na 'Bad Romeo!'

Maraming salamat mga Kapuso sa patuloy na pagsuporta at pagsubaybay sa kwento nina Carl (Mario Maurer) () at Kimberly (Yaya Sperbund)!

Panalo sa ratings ang blockbuster hit series ng Thailand na Bad Romeo!

Noong nakaraang Miyerkules, February 22, kabilang ang blockbuster hit series sa Top 10 TV Programs na nakakuha ng pinakamataas na ratings sa buong bansa.

Sa tala ng NUTAM People Ratings (Nielsen Phils.TAM), nakakuha ng 5.4. percent na ratings ang Bad Romeo, mas mataas kumpara sa mga katapat nitong programa sa ibang TV stations.

Sa naturang episode na ito, napanood ng mga Kapuso ang mas matinding banggaan ng pamilya nina Carl at Kimberly.

Habang tumatagal ay mas tumitindi ang mga eksena sa pagitan nilang dalawa dahil ginagawa ni Carl ang lahat upang gumanti kay Kim.

Ginagamit niya ang kaniyang yaman upang pabagsakin ang negosyo ng pamilya ni Kim.

May pag-asa pa kayang magkaayos sina Carl at Kim o tuluyan na silang paglalayuin ng tadhana?

Patuloy na subaybayan ang Bad Romeo mula Lunes hanggang Huwebes 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG 'BAD ROMEO' SA GALLERY NA ITO: