
Sa nakaraang linggo ng Poong, the Joseon Psychiatrist, kinaharap ni Yoo Se-poon, Seo Eun-woo, Gye Ji-han at ng buong Gyesu Village ang isang pagsubok, ang nakahahawang salot na maaaring magdulot sa kanila ng kamatayan.
Upang maprotektahan si Seok-cheol mula sa pagmamalupit ng ama niya na si Lord Jo, kinumbinsi ni Yoo Se-poong ang pinuno na kailangan siyang gamutin ng ibang mangagamot habang si Poong na man ang gagamot sa anak nito.
Nalaman din ni Poong mula kay Jang-goon at Nam-hae ang totoong kabutihan ng puso ni Gye Ji-han. Ikinwneto nila kung papaano dinala ni Ji-han ang bata sa clinic niya kahit na meron ito dapat gamutin at hindi kumita.
Humingi si Poong at si Jang ng tulong sa mangagamot para gamutin si Seok-cheol. Dahil sa munting regalo ni Jang-goon, pumayag din ito tulungan si Seok.
Dahil sa dami ng mga pasyente ng clinic ni Gye Ji-han, kinailangan nilang bumili ng mas maraming pagkain para mapakain ang mga ito. Dahil kailangan mag tipid, sinabi ni Ji-han na "gulay sa toyo lang" ang kakainin nilang lahat.
Kahit na hinainan siya ng kanyang anak ng pagkaing sinabi niya, nag duda pa rin ito at lumabas para tignan kung pareho lang din ang kinakain nila at nagalit ng malamang niloloko siya ng mga ito.
Isang pasyente ni Poong ang sabi sa kanya ng itinatagong sikreto ni Ji-han. Sinabi nito at ng kanyang kasama na mayroon daw pinatay ang naturang mangagamot.
Sa huli, lumabas ang totoong hangarin nito na makuha ang lupain kung saan nakatayo ang clinic ni Ji-han, pero sa huli ay tinanggihan pa rin siya ni Poong.
Isang matinding salot ang dumapo sa mga namamalagi sa Gyesu Village at kahit gustong tumulong nila Poong, Seo Eun-woo at Ji-han, wala naman silang magawa dahl nagkaubusan na ng gamot.
Nakipagtulungan naman sila Eun-woo sa mga sundalo at punong tigasiyasat para mapigilan ang pagkalat ng salot at upang maka-kuha sila ng gamot galing sa ibang bayan
Upang lalong hindi kumalat ang salot, pinapunta ng mga sundalo ang mga tinamaan ng salot sa isang kubo sa bundok para doon manatili pangsamantala. Pero takot ang mamamayan ng Gyesu Village na baka sunugin ang kanilang siyudad.
Bago umalis ang mga mamamayan, inassure ni Poong at ni Eun-woo na hahanap sila ng lunas ngunit hindi naniwala ang isa sa mga ito at sinabing hahayaan lang nila mamatay ang mga mamamayan.
Nagpunta si Poong sa lugar kung nasaan ang mga mamamayan ng Gyesu upang subukan silang gamutin nang isa sa kanila ang nag suka ng dugo. Dahil dito, unit-unti nang nawalan ng pag-asa si Poong.
Pinasok naman ni Ji-han ang lugar kung nasaan sila para hikayatin si Poong na humanap ng lunas. Dito, ipinaalam na ng nakatatandang mangagamot na dinapuan na rin si Eun-woo ng salot.
Dito rin sinabi ni Ji-han bukod tanging lunas ngunit dahil sa dala nitong matinding lason ay maaaring mamatay rin ang pasyente ngunit ito rin ang nag bigay pag-asa kay Poong para sa hinahanap nilang lunas.
TIGNAN ANG MAIN CHARACTERS NG POONG, THE JOSEON PSYCHIATRIST: