GMA Logo Jak Roberto
What's Hot

Jak Roberto teases character in 'The Missing Husband'

By EJ Chua
Published February 28, 2023 2:18 PM PHT
Updated February 28, 2023 6:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto


Abangan si Jak Roberto sa pangmalakasang mystery drama series 'The Missing Husband.'

Ongoing ang lock-in taping ng pangmalakasang GMA drama series na The Missing Husband.

Isa sa mga kabilang sa cast ay ang Sparkle star at tinaguriang 'Pambansang Abs' na si Jak Roberto.

Sa kaniyang latest post sa Instagram, ipinasilip ni Jak sa kaniyang followers at fans at kaniyang look at karakter na gagampanan sa serye.

Mapapanood ang aktor sa upcoming afternoon series bilang si Joed Enriquez, isang by-the-book na policeman.

Ano kaya ang magiging role niya sa buhay ng mag-asawang sina Millie at Anton (Yasmien Kurdi at Rocco Nacino)?

Isa ba siya sa tutulong sa magiging problema ni Millie at ng kaniyang asawa?

Samantala, kamakailan lang, masayang ibinahagi ni Jak sa isang panayam na isa sa mga kahilingan niya ang matutupad dahil sa The Missing Husband.

Ayon sa kaniya, matagal na niyang gustong makatanggap ulit ng action roles bilang aktor.

Bukod kina Jak, Yasmien, at Rocco, kabilang din sa cast ng explosive drama sina Nadine Samonte, Sophie Albert, at Joross Gamboa.

Mapapanood din dito sina Cai Cortez, Shamaine Buencamino, Max Eigenmann, Michael Flores, Bryce Eusebio, at marami pang iba.

Abangan si Jak Roberto bilang si Joed Enriquez sa The Missing Husband, mapapanood na ngayong 2023, sa GMA Afternoon Prime.

Sagutin ang poll na ito:

SILIPIN ANG SET NG THE MISSING HUSBAND SA GALLERY SA IBABA: