
Sa nalalapit na pagtatapos ng Lakorn na You Are My Heartbeat, malalaman na kung ano ang kahihinatnan ng love story nina Rocky (Push Puttichai Kasetsin) at Katrina (Mai Davika Hoorne) matapos ang kanilang mga pinagdaanan.
Sa ipinalabas na teaser ng GMA Network sa telebisyon at online kamakailan, mapapanood na tuluyan nang sinuway ni Rocky ang kanyang lola na si Chairman Barbara para makasama ang kanyang minamahal na si Katrina.
Ipinakita rin ang pag-uusap nina Rocky at Katrina, kung saan sinabi na ng una na wala nang makapipigil sa kanya na mahalin ang huli, ngunit malalagay sa peligro ang buhay ni Rocky dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari.
Makamit kaya nina Rocky at Katrina ang kanilang happy ending? Sabay-sabay nating tutukan ang finale episode ng You Are My Heartbeat, bukas, 9:00 a.m., sa GMA.