
Inihayag ni Cassy Legaspi ang kahalagahan ng pagbibigay respeto hindi lamang sa mga veteran stars kung hindi para sa lahat ng tao na kaniyang nakakatrabaho.
Itinanong kay Cassy sa Beautéderm x Sparkle media conference noong March 7 kung nagiging maingat ba siya sa pakikipagtrabaho at pakikisalamuha sa veteran stars. Ito ay dahil sa mga nababalitang mga hindi magagandang encounter ng veteran stars sa ilang mga young stars.
Sagot ni Cassy, naniniwala siyang ang pagbibigay respeto ay dapat ibinibigay sa lahat ng tao.
PHOTO SOURCE: @deniseochoav / @cassy
"I think being respectful should be an innate thing parang po dapat automatic na 'yun e. I think everyone deserves to be respected."
Paliwanag pa ng Sarap, 'Di Ba? host tinuruan siya ng kaniyang mga magulang na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel ng pagbibigay galang sa lahat ng tao na kaniyang makakasalamuha.
Ani Cassy, "So one thing I've learned especially sa showbiz industry since I literally grew up in front of the camera, my parents would teach me to say hi to my co-actors, everyone, staff, crew."
Dugtong pa ni Cassy ang kahalagahan ng pagpapakilala ng kaniyang sarili.
"The most important one is to always introduce yourself never assume na dapat kilala mo ko. I say hi I'm Cassy, and I introduce myself."
Isa pang paalala kay Cassy ay ang maging humble at thankful sa mga blessings na kaniyang natatanggap sa kaniyang showbiz career.
"To stay humble din remind yourself to keep your feet on the ground and to always be thankful for what you have right now no matter how big, no matter how small. Dapat thankful ka for everything."
Si Cassy ay nag-renew ng kaniyang endorsement contract sa Beautéderm kasama sina Ruru Madrid, Rayver Cruz, at Sanya Lopez. Ipinakilala naman sina Ysabel Ortega, Buboy Villar, Patricia Tumulak, EA Guzman, at Thia Thomalla bilang mga bagong endorsers ng beauty and wellness brand.
Abangan si Cassy tuwing Sabado, 10:00 a.m. sa Sarap, 'Di Ba?
SAMANTALA, BALIKAN ANG MEDIA CONFERENCE NINA CASSY AT NG IBA PANG SPARKLE STARS: