
Inilahad nina Patricia Tumulak at Thia Thomalla ang kanilang pasasalamat sa Sparkle GMA Artist Center dahil sa paraan nila ng pag-handle sa kanilang showbiz careers.
Ibinahagi ito nina Patricia at Thia sa press nang sila ay pumirma ng bagong endorsers ng Beautéderm noong March 7.
PHOTO SOURCE: @patty_push/ @thia_thomalla
Kuwento ni Patricia, gusto niya ang paraan ng pag-handle sa kaniya ng Sparkle dahil pinakikinggan daw ang kaniyang opinyon at gustong direksyon ng kaniyang career.
Ani Patricia, "Ang maganda po sa amin is they listen. They ask me personally kung ano ang gusto ko. I want to be more focused on hosting."
Dahil sa pakikinig ng Sparkle ay nakukuha raw ni Patricia ang mga projects na gusto niyang gawin.
"'Yung projects na ibinibigay po sa amin is perfect na parang I am on the right path. Like 'yung Dapat Alam Mo! parang level one ko 'yun sa gusto kong mapuntahan. So I am grateful 'cause they listen, hindi 'yung sila lang kung ano ang gusto nila."
Ayon pa kay Patricia sa pakikinig at pagbibigay ng magagandang opportunities, ay nagpapasalamat siya sa Sparkle. Saad niya, "I am grateful for that and for all the opportunities po."
Si Thia ay nagpapasalamat naman sa Sparkle dahil nakikita niya ang balance sa kaniyang personal life at kaniyang career sa showbiz.
"I have the chance to balance my personal life with my career. Kasi with my personal life, I am also busy with my personal businesses. I have decided to manage both sides differently and with proper communication wala naman kaming nagiging issue or something,” pagbabahagi ni Thia.
Kuwento pa ng Miss Eco International 2018, nakikita niya ang open sa pakikipag-communicate kung may concerns ang Sparkle.
"I am very blessed and grateful na if there are some concerns, they tell me directly instead of you know backstabbing whatsoever. It's like mature conversations talaga, you have to accept what's wrong or where you can improve. So 'yung mga ganoong mga bagay."
Para kay Thia, mahalaga para sa kaniya na napapakinggan ang gusto at plano niya sa kaniyang career.
"Listening to what they say and vice versa they listen to me, that's how we work very well."
SAMANTALA, BALIKAN ANG MEDIA CONFERENCE AT CONTRACT SIGNING NINA PATRICIA, THIA, AT IBA PANG SPARKLE ARTISTS: