
Mapapa-party kayo sa matinding tawanan at good vibes na hatid ng mga paborito ninyong sitcom sa Sabado Star Power sa darating na March 18.
Hindi lang kayo hahagalpak sa katatawa, marami rin kayong matutunan sa all-new episode ng award-winning comedy program na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.
Mabubuking ba ni Pepito (Michael V.) ang booking ng anak niya na si Chito (Jake Vargas)?
Pero, ang malaking tanong, bakit yata nabahala si Mara (Maureen Larrazabal) sa narinig niya kay Vincent (Tony Lopena) tungkol sa raket ng anak ni Boss Pepito.
Mag-family bonding ngayong Saturday night at panoorin ang kulitan ng Manaloto fambam sa oras na 7:00 pm, pagkatapos ng Amazing Earth.
At pagkatapos ng madramang eksena sa number one weekly-drama anthology na #MPK hosted by GMA Integrated News pillar Mel Tiangco, susundan ito ng unli-good vibes na hatid nina Bossing Vic Sotto at Phenomenal Star Maine Mendoza sa Daddy's Gurl.
Makakasama rin natin this weekend ang versatile TV-movie actress na si Matet de Leon at magbabalik din sa hit sitcom ang basketball heartthrob na si Prince Carlos.
Samahan ang Pamilyang Otogan sa kanilang funny adventures ngayong March 18 sa Daddy's Gurl sa oras na 9:15 p.m.
Kaya mga Kapuso, time out muna sa paggagala at mag-chill sa inyong mga tahanan. Tumutok sa highly-entertaining lineup ng Sabado Star Power sa gabi this weekend.
SILIPIN ANG KULITAN ON AND OFF CAM NG CAST NG PEPITO MANALOTO AT DADDY'S GURL: