
Umaapaw ang saya at pasasalamat ni Pambansang Ginoo David Licauco sa nakaka-'goosebumps' na pagtanggap ng Davaoenos sa kanyang first-ever solo mall show.
Noong Sabado, March 18, nakisaya si David sa 23rd anniversary ng WILTELCOM, na ginanap sa Gaisano Mall Davao Atrium.
Ayon sa nabanggit na telecommunication retail company, mula pa sa iba't ibang bahagi ng Mindanao--Maguindanao, General Santos City, Cotabato City, Pagadian City, at Zamboanga--ang mga tagahangang pumunta sa mall show makita lamang si David nang personal.
Sa video na ibinahagi ng Sparkle GMA Artist Center, kitang kita ang mainit na pagsalubong kay David ng kanyang mga tagahanga.
Ily all :) https://t.co/ugANjPRVFj
-- David Licauco (@davidlicauco) March 18, 2023
Kuwento ni @parkrosey_alx sa naganap na mall show ng Pambansang Ginoo, "Wala na akong narinig. Grabe ang tili ng mga tao."
ILY GUYS 🤗❤️ https://t.co/vfjZ074gUI
-- David Licauco (@davidlicauco) March 18, 2023
Samantala, inilabas na ang official teaser ng music video ng Ben&Ben para sa cover nila ng sikat na awitin na "The Way You Look At Me" kung saan tampok ang hottest loveteam ngayon ng Kapuso Network na sina Barbie Forteza at David.
-- David Licauco (@davidlicauco) March 18, 2023
Abangan ang nakakakilig na music video ng "The Way You Look At Me" sa darating na March 25, 7:00 p.m. sa Universal Records Philippines YouTube channel.
MAS KILALANIN SI DAVID LICAUCO SA GALLERY NA ITO: