GMA Logo David Licauco
Source: benchtm/IG
What's Hot

Talent manager ni David Licauco, pinatunayan ang pagiging maginoo ng aktor

Published March 22, 2023 3:51 PM PHT
Updated March 23, 2023 10:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Arnold Vegafria on David Licauco: “Actually, until now, he never accepts pa rin na sikat siya.”

Bagamat matunog ngayon ang pangalan ni David Licauco, hindi raw naiisip ng aktor na sobrang sikat na niya.

Ayon sa talent manager niyang si Arnold Vegafria, nanatiling mapagkumbaba si David sa kabila ng biglaang pag-angat ng kanyang showbiz career. Ito ay bunsod ng matagumpay na pagganap niya bilang Fidel at mainit na pagtanggap sa tambalan nila ni Barbie Forteza sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Dahil din dito, binansagan siya ng fans bilang “Pambansang Ginoo.”

“Tama rin yung [tawag sa kanya] na 'Pambansang Ginoo.' I mean, he's such a gentleman,” sabi ni Arnold sa panayam ng GMANetwork.com at ilang piling entertainment media kamakailan.

“Actually, until now, he never accepts pa rin na sikat siya. Nagpupunta nga sa mall nang mag-isa, pinagkakaguluhan, yung akala niya normal pa rin. Hindi niya nilalagay sa utak niya na he's already a popular person.”

Sa katunayan, hindi na kailangan pang um-effort ni David para mapanindigan ang bagong titulong ibinigay sa kanya ng fans.

Ani Arnold, “That's one thing I like about him, very humble siya. Actually, ang ine-expect ko kapag sumisikat ang isang celebrity, kasama na yung paglaki ng ulo. Baligtad ito, ito yata yung sumikat na naging mas humble, parang baligtad.”

Sa hiwalay na panayam, inamin ni David na nakaka-pressure ang bansag sa kanyang “Pambansang Ginoo.”

Gayunman, aniya, “Yun nga, going back, this is my job now so I have to… I mean, people see me as an inspiration, e, so I have to live up to that. I'll do my best na mag-serve ng inspiration sa mga youth and sa lahat ng mga taong sumusuporta sa akin at tinitingala ako.”

A post shared by David Licauco (@davidlicauco)

Samantala, dahil sa bagong image ni David at bagong fans niya, na karamihan ay kabataan, inamin ni Arnold na tinanggihan muna nila ang dating endorsement ng aktor para sa underwear line ng isang clothing brand.

“Actually, personal choice namin yun. I spoke to Ben Chan, na tanggalin muna siya sa Bench Body because nagkaroon siya ng young market,” sabi ng talent manager.

Pero sa halip na mabawasan ang endorsement, dumami pa ito dahil kinuha pa rin siya ng parehong brand para sa main line, skin care, hair care, at activewear lines nito.

“So, from one, naging apat, mas kumita pa siya!” pabirong sabi ni Arnold.

Agad namang nilinaw ni Arnold na hindi ibig sabihin nito ay malilimitahan na si David sa kanyang mga galaw, lalo na sa harap ng publiko.

Hirit niya, “Alangan namang kapag nasa beach siya, hindi siya mag-topless. Para sa akin, pakinggan muna natin ang mga teenagers kasi nagkaroon siya ng mga batang [fans]. Kailangan i-maintain niya ang pagiging gentleman.”

Sa naunang panayam kay David, sinabi naman niyang sisiguraduhin niyang mapanatiling maging mabuting role model sa mga kabataan.

Aniya, “Siyempre, I'm a public figure now, maramin nang tao ang tumitingala, kumbaga, ang tingin nila sa akin ay inspirasyon ako. So, kailangan mas maging careful now. Siyempre, ang pangit naman na magpakita ng masasamang bagay sa mga kabataan.”

Bukod kay Arnold, kino-co-manage din ng Sparkle GMA Artist Center ang showbiz career ngayon ni David.

SAMANTALA, TINGNAN ANG BOY-NEXT-DOOR LOOKS NI 'PAMBANSANG GINOO' DAVID LICAUCO RITO: