
Tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado ang kuwento ng isang estudyante na naospital matapos na pakainin ng basura ng kanyang guro.
Bibigyang-buhay ni Sparkle actor Bryce Eusebio ang kuwento ng estudyanteng si Ian sa "Wish Ko Lang: Pinakain ng Basura."
Base sa teaser na inilabas ng Wish Ko Lang, nang mabigong manalo ang guro na si Mrs. Cortez sa "Cleanest Classroom Challenge" ng kanilang eskuwelahan ay nabaling ang inis nito sa kanyang mga estudyante at pinakain niya sa mga ito ang mga basurang nakuha sa kanilang classroom.
Kabilang si Ian sa mga pinakain ng basura ng guro. Matapos ang pangyayaring ito ay naospital ang binata.
Makakasama ni Ian sa bagong episode ng Wish Ko Lang sina Jean Saburit (Mrs. Florena Cortez), Sharmaine Suarez (Jennifer), Chlaui Malayao (Hannah), Micko Laurente (Drew), Lime Aranya (Chin), Elora Espano (Gelyn), at Janina San Miguel (Mrs. Reyes).
Huwag palampasin ang "Wish Ko Lang: Pinakain ng Basura" ngayong Sabado, March 25, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
MAS KILALANIN SI BRYCE EUSEBIO SA GALLERY NA ITO: