GMA Logo Sparkle mall show in Malabon
What's Hot

Sparkle stars, tuwang-tuwa nang maka-bonding ang kanilang fans sa isang mall show sa Malabon

By Aedrianne Acar
Published March 28, 2023 8:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCG: Zero tolerance policy, sanctions vs indiscriminate firing amid New Year revelry
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News

Sparkle mall show in Malabon


Tingnan ang mga naganap sa successful mall show ng Sparkle GMA Artist Center nitong weekend sa Malabon City.

Laking tuwa ng Sparkle stars na dinagsa ang kanilang mall show sa Malabon City nitong nakaraang weekend.

Sa pangunguna ng TV host-actress na si Rabiya Mateo, sinabi nito sa panayam sa 24 Oras na “wish” niya na mas marami pa silang mall show na gawin.

Lahad ng former beauty queen sa Chika Minute, “Everytime kasi, nakikita ko 'yung ganitong crowd parang it gives me hope na everything is getting better after pandemic. Kaya sana tuloy-tuloy at sana mas marami pa tayong malls na mapuntahan”

Nag-perform at nakisaya rin ang mga Sparkle talents na sina Elijah Alejo, Althea Ablan, Abdul Raman, at Shayne Sava.

Nagpakilig rin ang hotties na sina Nikki Co, Carlo San Juan, Prince Clemente at ilan sa mga Sparkada members.

Malaking bagay para kay Sparkada beauty na si Cheska Fausto ang mga ganitong event ng kanilang talent management.

Aniya, “Kasi may mga fans talaga ako na hindi ko pa name-meet and this the least that I could do for them.”

Sinegundahan naman ito ni Michael Sager na sinabing, “It's always been nice po to see our fans. And our supporters really, kaya seeing them and being with them today just makes me happy. Because I love spending time with them.”

Holy Week plans

Next week na ang hinihintay ng marami na Holy Week break at kahit ang mga Kapuso stars may kani-kanilang plano na para sa long break.

Pamilya ang naiisip ni Cheska na gusto niya makasama sa nalalapit na bakasyon. Paliwanag niya, “Hopefully, makauwi ako ng Zambo to meet my family, kasi one year na, since I haven't seen them.”

Plano rin ng heartthrob na si Sean Lucas na bisitahin ang kaniyang mga mahal sa buhay sa Davao sa darating na bakasyon. Sabi niya sa Chika Minute, “I just want to go home muna to Davao, to my family. I haven't seen them in a long-time.”

Ano naman kaya ang plano ni Kapuso hunk Saviour Ramos sa Lenten break?

“Spend more time with my family and my Sparkada and work pa rin.” ani Saviour.

KILALANIN ANG MULTI-TALENTED SPARKADA MEMBERS SHERE: