GMA Logo Kylie Padilla
What's Hot

Kylie Padilla umaming certified fan ni Gerald Anderson

By Abbygael Hilario
Published March 30, 2023 12:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - House representatives file resolution to investigate death of former DPWH Usec. Cabral (Dec. 22) | GMA Integrated News
Drunk man drowns at Digos beach
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla


Malapit nang mapanood ang pinakabagong pelikula nina Gerald Anderson at Kylie Padilla na 'Unravel!'

Sa unang pagkakataon ay mapapanood sa isang pelikula ang Kapuso actress na si Kylie Padilla at Kapamilya actor na si Gerald Anderson.

Magsasama ang dalawa sa upcoming romance-drama film na Unravel kung saan gagampanan nila ang karakter nina Lucy at Noah.

Sa press conference ng kanilang inaabangang pelikula, inamin ng Sparkle star na si Kylie na fan siya ng tambalang Gerald Anderson at Kim Chiu o mas kilala sa tawag na “Kimerald” simula noon.

Aniya, "Nakakahiyang aminin pero I was a fan. Fan ako ng Kimerald. Sorry, magiging honest lang ako. Ayon, nanonood ako sa sine ng mga pelikula nila but then noong nandun na kami siyempre I need to be professional talagang tinanggal ko lahat 'yon and nagtrabaho ako."

Samantala, ibinahagi naman ni Gerald kung ano ang first impression niya kay Kylie.

"Alam ko na kahit hindi ko pa siya nakakasama alam ko na she's a very good actress. I am very privileged na na-witness ko 'yan in person at nakaeksena ko siya."

A post shared by ☽ k y l i e ♡ (@kylienicolepadilla)

Isa ang Unravel sa walong pelikula na kabilang sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival na ipapalabas simula April 8.

SAMANTALA, BASAHIN ANG SIYAM NA RASON KUNG BAKIT DAPAT PANOORIN ANG PELIKULANG UNRAVEL SA GALLERY NA ITO: