GMA Logo David Licauco and Barbie Forteza rice paddy art
What's Hot

Mukha nina Barbie Forteza at David Licauco, tampok sa isang palayan

By Marah Ruiz
Published March 30, 2023 12:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend Express: December 21, 2025 [HD]
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco and Barbie Forteza rice paddy art


Tampok ang mukha ng tambalang FiLay o Barbie Forteza at David Licauco sa isang rice paddy art.

Patuloy pa rin nakakatanggap ng pagmamahal ang Kapuso stars na sina Barbie Forteza at David Licauco para sa tambalan nilang FiLay o Fidel at Klay mula sa nagtapos na hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Tampok kasi ang kanilang mga mukha sa isang malaking rice paddy art sa Nueva Ecija.

Gamit ang green at purple leaf rice variety, nabuo ang mukha nina Barbie at David sa isang palayan.

Likha ito ng 50 katao, kabilang ang ilang estudyante. Makikita ito sa Future Rice Farm ng Philippine Rice Research Institute.

Nagsisilbi itong isang paalala na iwasan ang pagsasayang ng kanin at bigas.

Samantala, shortlisted ang Maria Clara at Ibarra sa prestihiyosong New York Festivals TV & Film Awards para sa taong 2023 sa ilalim ng kategoryang Entertainment Program: Drama.

Nakatakda na rin itong magiging available sa streaming giant na Netflix simula ngayong April.

Maari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.