
Ang real life Kapuso couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali ang cover stars ng April issue ng MEGA Entertainment.
Guwapong-guwapo si Ruru sa earth-toned outfits na suot niya habang angat na angat naman ang ganda ni Bianca sa kanyang nude makeup look.
Ibinahagi nila sa magazine kung paano napapatibay ng kanilang real life romance ang kanilang on-screen chemistry.
Bukod dito, layunin din daw nina Ruru at Bianca na maging isang showbiz couple na kayang magtrabaho nang magkasama at magkaroon pa rin ng mga indibidwal na proyekto para sa kanilang mga sarili.
Magkasama sina Ruru at Bianca bilang co-stars sa romance drama with a touch of fantasy na The Write One.
Si Ruru ay si Liam, frustrated television writer na magbabago ang buhay dahil sa mahiwagang typewriter.
Si Bianca naman ay si Joyce, ang asawa ni Liam na maglalaho sa "rewritten" na kuwento ng kanyang buhay.
Sa ika-walong episode ng The Write One, matatagpuan ni Liam si Joyce sa bagong mundo niya bilang si Savana, isang sikat na artista.
Ang problema lang, ayaw ni Savana na makatrabaho siya o bumuo ng kahit anong ugnayan sa kanya.
Patuloy na tutukan ang The Write One, Monday to Thursday, 9:35 p.m. sa GMA, I Heart Movies at Pinoy Hits. May same-day replay rin ito sa GTV, 11:25 p.m. Maaari ring mag-stream ng advanced episodes nito, anytime, anywhere sa www.viu.com.
SAMANTALA, SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA RURU MADRID AT BIANCA UMALI DITO: