
Pumanaw na ang '80s actress na si Angela Perez kagabi, March 29, sa edad na 55.
Sa “Today's Talk” segment ng Fast Talk with Boy Abunda ibinahagi ng TV host na si Boy Abunda ang malungkot na balita.
Ayon kay Boy, stroke ang itinuturong dahilan ng pagkamatay ng batikang aktres.
Napanood noon si Angela sa ilang sexy-drama films kagaya ng Laruan, kung saan nakasama niya si Carmi Martin.
Nagpaabot naman ng taos-pusong pakikiramay si Boy at ang kaniyang programa sa naulilang pamilya ng yumaong aktres.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
BALIKAN NAMAN ANG MGA ALA-ALA NG YUMAONG CELEBRITIES SA GALLERY NA ITO: