
Tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado ang kuwento ng dalagang si Hazel na inutangan at hindi binayaran ng kaniyang ex-boyfriend. Ang mas masakit, iniwan at ipinagpalit pa siya nito sa ibang babae.
Bibigyang buhay ni Klea Pineda ang kuwento ni Hazel sa "Wish Ko Lang: Utang Ni Ex." Habang gaganap naman bilang nobyo nito na si Archie ang Sparkle actor na si Kimson Tan.
Base sa trailer na inilabas ng Wish Ko Lang na mayroon na ngayong 1.5 million views sa Facebook, labis ang pagmamahal ni Hazel para sa nobyong si Archie. Kapag may kailangan ang nobyo ay handa siyang sumuporta pati na rin ang pagpapautang dito.
Makakasama rin nina Klea at Kimson sa bagong episode na ito sina Roselle Nava (Digna), Faye Lorenzo (Carla), Azenith Briones (Marlyn), Tart Carlos (Sonia), Vinas Deluxe (Bevs), at Dylan Menor (Kapitan).
Huwag palampasin ang "Wish Ko Lang: Utang Ni Ex" ngayong Sabado, April 1, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
MAS KILALANIN SI KLEA PINEDA SA GALLERY NA ITO: