GMA Logo unbreak my heart
What's on TV

'Unbreak My Heart' teaser, ikinagulat ng netizens

By Faye Almazan
Published March 31, 2023 5:24 PM PHT
Updated May 25, 2023 1:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

unbreak my heart


Excited na ang mga manonood sa much-awaited collaborative serye ng GMA, ABS-CBN, at Viu!

Sa unang pagkakataon ay napanood ng fans at viewers ang teaser video ng inaabangang drama series na Unbreak My Heart.

Nitong Biyernes, March 31, ay itinampok sa 50-second na video ang ilan sa mga eksenang dapat abangan sa first-ever collaboration ng GMA Network, ABS-CBN Entertainment, at Viu.

Mainit at puno ng excitement ang naging pagtanggap ng mga fans at netizens sa teaser.

“[W]ow ka-abang-abang 'to. [G]anda,” ani ng isang netizen.

“Ayy, palaban 'to! Excited much!” hayag naman ng isa pang user.

Comments

Ang ilan rin sa mga manonood ay nagpahayag ng kanilang pagkamangha at pagkagulat sa teaser pa lang.

“Wow grabe teaser pa lang sobrang ganda na. [E]xcited na ko mapanood 'to,” komento ng isang user.

Ani naman ng isa ay, “Grabe ang [g]anda! Teaser pa lang magugulat ka [n]a!”

“Grabe naman trailer pa lang, napakaganda na,” pahayag pa ng isang netizen.

Marami rin sa kanila ang nag-comment ng kanilang mga papuri sa mga magagaling na cast at kaabang-abang na plot ng Unbreak My Heart.

“Grabe! Unexpected naman ang plot. Akala ko 'yong cliché type lang ito. Kaabang-abang nga,” sabi ng isang user.

“Ganda mala K-drama ang datingan,” komento ng isa pa.

“[S]obrang gagaling ng mga artistang napili!”

“Powerful cast,” hayag ng isang netizen.

Tampok sa historical project ang ilan sa mga premyadong aktor ng GMA at ABS-CBN na sina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria.

Kabilang rin sa cast sina Laurice Guillen, Eula Valdes, Nikki Valdez, Bianca De Vera, Will Ashley, Maey Bautista, Sunshine Cruz, Gardo Versoza, Victor Neri, Jeremiah Lisbo, Dionne Monsanto, PJ Endrinal, Mark Rivera, at iba pa.

Ang Unbreak My Heart ay mapapanood ngayong taon sa GMA at Viu.

Silipin ang trending na teaser video ng 'Unbreak My Heart' dito:

SAMANTALA, TINGNAN ANG BONDING MOMENTS NG CAST SA ITALY SA GALLERY NA ITO: