
Hindi pinalampas ng Pinoy cast ng Running Man ang big fan meet sa bansa ng original cast mula Korea na idinaos sa Mall of Asia Arena noong April 1.
Spotted sa “Running Man in Manila 2023: A Decade of Laughter” event si “The Captain” Mikael Daez at misis nito na si Miss World 2013 Megan Young.
Dumalo rin sa much-awaited fan meet sina Glaiza De Castro, Buboy Villar, Lexi Gonzales, at Angel Guardian.
Matatandaan na sa season finale ng Running Man Philippines noong December 2022, si Angel ang nanalo bilang first Ultimate Runner.
Parte rin ng local version ng hit Korean reality show ang Kapuso Action-Drama Prince na si Ruru Madrid at Bubble Gang star na si Kokoy de Santos.
Marami namang fans ng show ang nag-post ng comment online na miss na miss na nila ang kulitan at intense games ng Running Man Philippines at nag-aabang na rin ang mga ito sa season two ng programa.
HERE ARE SOME OF THE MOST VIRAL VIDEOS ON YOUTUBE OF RUNNING MAN PH IN 2022: