GMA Logo nico antonio
Source: welovetolayts/IG
What's Hot

Nico Antonio, isa nang ganap na abogado

By Kristian Eric Javier
Published January 7, 2026 6:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

6 arestado sa pagnanakaw sa tulong ng GPS
Pagtulong ng GMAKF sa mga nilindol sa Caraga, nagpatuloy sa kabila ng panibagong pagyanig | 24 Oras
P22,000 cash, laptop lost to burglar in Iloilo City

Article Inside Page


Showbiz News

nico antonio


Congratulations, Nico Antonio, for passing the Bar Exams!

Mula sa pagiging si Atty. Willie sa Metro Manila Film Fest movie na UnMarry, isa nang ganap na abogado ang aktor na si Nico Antonio!

Sa isang Facebook post ng Quantum Films, isang congratulatory card ang iponost para kay Nico na naabot ang bagong milestone sa kanyang career.

“From Atty. Willie on screen to Atty. Nico Antonio in real life. WOW, nakaka-proud naman talaga!” caption nila sa kanilang post.

KILALANIN ANG ILAN SA MGA CELEBRITY GRADUATES NG 2025 SA GALLERY NA ITO:

Isa si Nico sa 5,594 board passers mula sa 11,420 examinees na napagtagumpayan ang 2025 Bar Examinations. Inilabas ng Supreme Court ang resulta ng exam ngayong Miyerkules, January 7.

Nag-aral ng law si Nico sa San Beda College of Law, bago tuluyang tinapos ang kaniyang pag-aaral sa San Sebastian College bilang isang working student.

Bukod sa pag-aaral niya ng law, sinabay din ni Nico dito ang kaniyang pag-aartista at lumabas na sa iba't ibang serye at pelikula. Ilan sa mga proyekto niya ay ang GMA Prime series na Voltes V: Legacy, kung saan gumanap siya bilang si Gen. Oslak; at sa Mommy Dearest bilang si Michael Espiritu-Zamora.

Gumanap din sa ilang prominenteng roles sa international series si Nico. Ilan dito ay bilang si Emilio Abello sa Filipino-American crime drama na Almost Paradise, at sa South Korean series na Big Bet.

Samantala, tingnan ang celebrity graduates noong nakaraang taon dito: