GMA Logo nico waje
What's Hot

Nico Waje, nagpasalamat sa suporta; nagpayong mag-ingat ngayong tag-ulan

By Aedrianne Acar
Published July 24, 2025 12:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Major EU states condemn Trump tariff threats, consider retaliation
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

nico waje


Nico Waje: “Mag-ingat tayong lahat please! Really appreciate you all! Mwa!”

Kahit masama ang panahong dulot ng mga bagyo at habagat, good vibes naman ang hatid ng GMA Integrated News reporter na si Nico Waje.

Mapapansin kasi sa TikTok account ng GMA News na napakataas ng views ng situation report ni Nico.

Ang video niya tungkol sa epekto ng matinding pag-uulan sa Macabebe, Pampanga, umani na ng mahigit 1.8 million views.

@gmanews PANOORIN: Nakararanas ng masamang panahon ang mga residente ng Brgy. Tacasan, Macabebe, Pampanga kaninang 5:30 PM. Umaapaw na ang ilog at papunta na sa mga kabahayan ng mga residente sa lugar. May ilang residente na ang gumagamit ng bangka para makatawid sa baha. | via Nico Waje/GMA Integrated News #BreakingNewsPH #GMAIntegratedNews ♬ original sound - GMA News

Marami kasi ang kinikilig sa umano'y heartthrob look ni Nico. Hirit pa ng isang netizen: “Pangit man ang panahon, pogi naman ang nag uupdate. HAHAHAHA”

Nakarating na kay Nico ang pag-viral niya sa social media at nagpasalamat ito sa suporta.

Pinuri rin ng Kapuso news reporter ang lahat ng journalist na patuloy na nagbabalita, kahit sobrang ulan para patuloy na ma-inform ang publiko sa lagay ng panahon.

Sabi ni Nico sa Facebook, “Hi guys!

“I saw some of your comments and reactions. Thank you so much for the kind words and please know that I appreciate y'all!”

Dagdag niya, “But hats off to all the journalists out there who give their all every day just to keep the public informed. I'm not the only one doing this. There are so many of us working hard behind the scenes.

“Mag-ingat tayong lahat please! Really appreciate you all! Mwa!”

RELATED CONTENT: Celebrities na may kapangalan na bagyo