
Hindi lang sa It's Showtime stage nanggagaling ang saya at aliw ngayon, dahil namamayagpag at nag-iingay din sa digital space ang hit na hit na online content series ng former beauty queen at host na si Nicole Cordoves.
Sa telebisyon, kilala si Nicole bilang isa sa mga minamahal na hurado ng sikat na segment na "Miss Q and A: Reyna Talak-Era." Dito ay nagbabahagi siya ng kaniyang matatalim na insights at komento para sa mga kandidata, patunay ng kaniyang kalibre bilang isang beauty queen na nagdala ng dangal sa bansa sa international stage.
Pero pagdating sa social media, lalo na sa TikTok, ibang side naman ni Nicole ang makikita ng kaniyang followers. Pagkatapos ng segment, sa halip na mga komento, ang packed lunch na ibinibigay sa backstage naman ang kaniyang ipinapakita at paboritong i-share sa netizens.
Araw-araw niyang dinodokumento ang kaniyang tanghalian, kaya naman nakatutok ang libo-libong netizens para alamin kung ano nga ba ang panibagong ulam at baon ng ating paboritong hurado.
Dahil sa labis na pagtangkilik ng madlang pipol, opisyal nang nabuo ang kaniyang kinagigiliwang online video series na Tawag ng Tanghalian.
“Ang sossy at classy pa rin tingnan. Walang kaarte-arte. Lagi ko inaabangan ang pa-lunch mo, Ms. Nicole Cordoves,” sulat sa comments ng isang netizen.
“ANG GANDA HAHAHA TAWAG NG TANGHALIAN,” komento ng isa pa.
“Dahil dito, baka pati packed lunch everyday ay bini-brainstorm na ng staff kasi ifi-feature dito,” pabirong sabi ng isa pang netizen.
“Ito talaga ang inaabangan ko, ang cute ng pa-food review,” ani ng isa.
May ilang netizens din ang binigyan ng bagong titulo si Nicole dahil sa seryeng ito at tinagurian siyang “Queen of Packed Lunch.”
Inihanay rin si Nicole sa Kapuso actress at The Master Cutter star na si Max Collins, na tinaguriang naman ng netizens bilang “Queen of Reels” dahil kanyang patok na Instagram Reels kasama ang ilang guests ng noontime variety show.
“Kung si Max Collins ay 'Queen of Reels,' ito namang si Ate Nicole ay 'Queen of Packed Lunch,'” pabirong komento ng isang netizen.
Bago pa man naging kilalang host at online sensation, nakilala si Nicole bilang ang nagwagi ng Binibining Pilipinas Grand International 2016 title at naging 1st Runner-Up sa Miss Grand International, kung saan ipinamalas niya ang kaniyang talino at galing sa pagsasalita.
Patuloy na panoorin si Nicole Cordoves in the noontime variety show na It's Showtime, tuwing lunes hanggang Sabado, 12 p.m. sa GMA and Kapuso Stream!
Related Gallery: #Beauconera: Filipina beauty queens who joined pageants more than once